Bea Alonzo, kambal ang gustong maging anak kay Zanjoe Marudo!

PAREHONG “A Beautiful Affair” ang love relationship na magka-loveteam na sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. May Zanjoe Marudo ang actress at may Angelica Panganiban naman si Lloydie. Excited na sinabi ni Bea kung gaano siya kaligaya sa piling ng kanyang minamahal sa ngayon. Feeling raw niya, going stronger every day ang kanilang relasyon. Almost perfect na nga raw maitutu-ring ang kanilang pagmamahalan.

Kahit super busy si Bea sa trabaho, she will always find time for Zanjoe. “Naniniwala ako, you really need to make time for each other kung hindi kayo nagkikita, wala kayong free time. Gagawa ka ng paraan, ano ba? Puwede ba kaming mag-dinner together kahit sa loob lang ng kotse? ‘Yun bang may effort sa isa’t isa. Minsan ang mga lalaki mas sensitive sila, ano ba? Naiintindihan naman niya, mapagbigay naman siya. Medyo may pagka-drama queen ako pagdating sa relationship,” say ng magaling na actress.

Kung sakaling sila na nga ni Zanjoe ang magkatuluyan, dito kaya sa ‘Pinas or abroad sila magpapakasal? “May nahanap na ako, hahaha! Kasi, nasa Hawaii kami, nasa Wawi beach kami (Star Magic tour), nag-extend kami. May mga kasama rin kaming kaibigan tapos, may kinakasal sa cliff, nanonood talaga ako. Sabi ko, ‘Oh my God! Gusto ko nang ganyan!’ Tuloy, naging dream wedding ko. Sobrang romantic talaga tapos, magsisigawan kayo na ‘I do… I do’. Nag-day dream lang ako na kami ‘yun, pero hindi pa namin napag-uusapan, maloloka siya,” pahayag ng actress.

Sinabi ni Bea kay Zanjoe na ganu’n ang dream wedding niya para sa kanilang dalawa. Pumayag naman daw ang binata na sa Hawaii, Wawi beach sila ikasal. Pero tinanong siya ni Zanjoe kung gusto rin niya sa Bilog-bilog, Batangas City. Para kay Bea, natagpuan na niya si Mr. Right. “Sana, wini-wish ko pero ang dami-dami pang puwedeng mangyari dahil hindi natin alam kung kami na nga sa bandang huli ang magkakatuluyan. Ini-enjoy lang muna namin ‘yung relationship na mayroon kami sa ngayon.”

Nakapagpatayo na pala ng bagong bahay ang binata sa Laguna bilang paghahanda if ever mag-propose ito sa dalaga. “Baka mahimatay ako, huwag muna. Ayaw ko namang five years engagement, napakatagal naman nu’n. Magtu-two years na kami sa March 2013,” natatawang sabi ni Bea.

May selos factor pa rin kayang nararamdaman ang isang tulad ni Bea? “Alam mo, sobrang suwerte ko rin dahil hindi siya flirt na tao, alam mo ‘yun. He makes me feel so secure. Hahaha! Sana hindi talaga, babatukan ko siya. Parang pinapa-feel niya sa akin na wala siyang gagawing masama kahit hindi niya ako kasama. Nawi-witness ko talaga na hindi siya ganu’n.”

Reaction ni Bea kung sakaling mahuli niya na may ka-fling na ibang babae si Zanjoe? “Walang usap-usap, sinabi ko na ‘yun sa kanya. Alam mo, infairness naman so far, sa lahat ng relationship ko, I never cheated on. So, siguro… kasi sa sobrang taas ng insecurity level ko. Feeling ko, wala nang matitira sa akin kapag nangyari pa ‘yun kaya hindi ginagawa ni Lord sa akin.”

Inamin ni Bea may insecurity pa rin siya kahit isa na siyang sikat na artista. “Ang ibig kong sabihin, most of the days na gigising ako, I don’t feel beautiful ako, ‘yung mga ganu’n. Ngayon ko palang nagi-gain ‘yung confidence ko. Sana hindi mangyari sa akin ‘yun at saka, alam na niya sa una pa lang wala nang usap-usap, end na agad. Walang nang second chance. Alam mong it takes two to tango. Laging sinasabi ng nanay ko, you cannot seduce a happy husband. Pero hindi ko pa naman siya husband, happy boyfriend,” aniya.

Ayon kay Bea, magiging isang mabuting asawa si Zanjoe kung sakaling sila na nga magkatuluyan at ‘yun ang pinapangarap niya. “Oo, responsable siya, feeling ko magiging mabait na Tatay siya, kasi, napakabait ng tatay niya.”

Napag-uusapan na rin pala nina Bea at Zanjoe kung ilan ang magiging anak nila with friends if ever sila na nga talaga. “Hindi namin napag-uusapan. Napag-uusapan among with friends. Lagi kong sinasabi gusto ko four. Tinatanong ko siya kung may lahi silang kambal, kasi gusto ko kambal. Sabi niya, wala raw,” pahayag ni Bea Alonzo.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

2 thoughts on “Bea Alonzo, kambal ang gustong maging anak kay Zanjoe Marudo!

  1. Ay naku tigilan mo nga ako BEa Alonzo asa ka pa pang ilan mo na ba si Zanjoe Marudo. Wag mo ng ibando ang mga kasal kasal na yan di ka na mahinhing birhen tumigil ka na sobrang arte mo ha kahit minsan ewan ko ba bakit di ko ito magustuhan kainis MARTE kang babae ka BEA ALONZO!!!

    • Hoy.. hindi na uso ang virgin teh!!! tska care mo ba kung hindi na .. may mas K nama c bea kysa sayo.. bka walng papatol sayo.. at matino naman yang c Bea.. d cya gya ng ibang actress dami ngng boyfriend!! pweee

Leave a Reply

Your email address will not be published.