Bea Alonzo-John Lloyd Cruz at Jodi Sta. Maria-Richard Yap, ‘di kailangang magkatuluyan para kiligin ang fans

BLIND ITEM: Gusto naming sabunutan sa buhok sa ilong ang isang friend naming fashion designer. Pa’no ba naman, kahit saan namin siya makita ay blooming na blooming siya. Kasi nga, isang guwapong aktor lang naman ang kanyang escort.

Feeling namin, ang laki-laki at ang tambok-tambok ng keps ng bading sa tuwing kasama niya ang aktor na gabi-gabi nating napapanood sa teleserye.

Tulad nitong huli naming pagkikita. Aba, kung ‘yung ibang artista ay nagte-table-hopping para makipagtsikahan sa ibang mga kasama sa “ball”, ang guwapong aktor naman ay nasa tabi lang ng fashion designer.

Hindi rin namin alam kung siya ang manager ni bagets. Dahil ang alam namin ay super help lang siya sa career ng ilang actors noon na malapit sa puso niya.

Pero nakakalaki ng keps ang pag-e-escort ng bagets sa fashion designer naming kumare, kaya ang ibang bading na nasa “ball” na ‘yon ay abut-abot ang inggit sa bakla. Hahahaha!

Ang mga fez ng mga bakla habang titig na titig sa couple… este, sa dalawa ay blangkong-blangko talaga sa inggit.

Eh, malay naman natin kung super friends lang ang dalawa at wala namang nangyaya-ring himala ni Ate Guy, ‘di ba?

Hahahaha!

 

IBINALITA SA amin ng kanang kamay ni Ate Cristy Fermin na si Japs Gersin na “himala ng mga himala”, si Ate Cristy ay hindi na nag-undergo ng angioplasty, dahil clear ang angiogram niya, sabi ng mga doktor.

Laking pasasalamat nga ni Japs, dahil “mahal talaga ng Diyos si Ate Cristy”. Pinaghandaan pa naman ni Ate Cristy ang kanyang operasyon na aabot ng isang milyon, pero ito’y hindi na nga mangyayari, dahil okay na siya.

Siguro, nagtataka kayo kumbakit kami ganito kay Ate Cristy, ‘no?

Maikling kuwento lang. Dati po kaming alalay ni Ate Cristy. Si Ate Cristy po ang nagturo sa aming magsulat. Utangan po namin nu’ng araw ‘yan. Basta kami’y nangailangan, hindi niya kami tinatanggihan.

‘Yung unang kotse namin, ‘yung unang bahay namin, siya ang nagluwal para makuha namin. At sa isang relasyon naman, normal lang ang ‘di pagkakaunawaan, hindi ba?

Opo, nagkatampuhan din kami ni Ate Cristy, pero hindi dahilan ‘yon para magmalaki kami o hindi kilalanin ang mga nagawa niya para sa akin, sa pamilya ko at sa mag-iina ko.

Magkakasalungat man kung minsan o madalas ang aming mga prinsipyo at paniniwala sa buhay, at the end of the day, kami pa rin ang magtutulungan.

Sabi nga namin kay Ate Cristy, kahit gaano kami kasama bilang “anak” o siya bilang “ina”, hindi pa rin maikakaila na “mag-ina” pa rin kami.

 

ISANG PATOTOO na hindi kailangang magkagustuhan ang magkapareha on screen para lalong kiligin ang mga tagahanga ay sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap at ang tambalan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Ang tagal na nina JLC at Bea, sampung taon na, pero wala naman silang relasyon, heto’t tinatangkilik pa rin ng mga manonood, ‘di ba? Nakukuha pa rin nilang pakiligin ang mga manonood sa teleserye at sa pelikula.

Si Papa Chen na laging kasama sa set ang kanyang maybahay ay wala rin namang relasyon kay Jodi, pero klik na klik sina Maya at Sir Chief sa kanilang Be Careful With My Heart na tumuntong na ang ra-tings sa 20 percent to think na ito’y nasa non-prime, huh!

Ang nakatatakot sa isang loveteam na sa tunay na buhay ay may relasyon, ‘pag nag-split, kani-kaniyang split na rin ang mga fans. Iniiwanan nilang malungkot ang kanilang tagahanga at magagalit pa ‘yung iba sa bagong kapareha nu’ng lalaki o babae.

Kailangan pa ba naming isa-isahin kung sinu-sino sila?

Ayaw nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo ng ganyan.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

7 thoughts on “Bea Alonzo-John Lloyd Cruz at Jodi Sta. Maria-Richard Yap, ‘di kailangang magkatuluyan para kiligin ang fans

  1. tumpak ka ogie…magic talaga ang tambalang jl-bea and jodi-richard………,
    sarah-gerald? tama nang nakapagpasaya kau..ok lng na wala na kau..sana si ge makahanap ng babaeng mamahalin sya at mapapanindigan sya..yun lng po..

    • Sana si Ge matutong manindigan, hindi bigla na lang gigive-up pag nagkakaipitan gaya ng ginawa nya kina Kim, Bea, Pauline and few unnamed others. Bad track record talaga sa pagiging coward and user yang si Gerald. Buti di sila nagkatuluyan ni Sarah. Blessing na rin kay Sarah yun. Good luck na lang sa susunod na liligawan ni Gerald. Sarah has more blessings in store for her. To Gerald, What goes around comes back around. Karma is on its way to you.

      • Obviously Sarah jing potpot ka!!! Pakamatay k kya pra mtpos n bitterness nyo s mga nging bf ni /sarah….ireverse ba ang totoo!?