Bea Alonzo, gustong maging Dawn Zulueta at Richard Gomez ang love team nila ni John Lloyd Cruz

Bea-AlonzoKUMITA NG tumataginting na P15 million ang opening day nu’ng Wednesday (August 12) ng pelikulang The Love Affair na prinodyus ng Star Cinema at pinagbibidahan nina Dawn Zulueta, Richard Gomez, at Bea Alonzo directed by Nuel Naval.

Tuwang-tuwang nagpasalamat si Bea sa mga nanood ng kanilang pelikula at parang hindi niya ini-expect na ganu’n ang magiging gross ng first day nila. Pinasalamatan din niya ang fans na gustong magpa-block screening ng pelikula.

Ayon kay Bea, nagpapasalamat siya na nakatrabaho sina Dawn at Richard na punum-puno pa rin ng excitement sa paggawa ng pelikula, pag-attend sa presscon, at mall shows kahit matagal na sila sa industriya.

“Do’n ko nakita sa kanila na kahit napakatagal na nila sa industry, parang hindi sila napapagod, parang lagi silang excited, kaya ako ‘yung parang nahihiya. Kasi minsan, nakakaramdam ako ng pagod, pero sila, iba sila, mahal namahal nila ‘yung craft nila,” sey ni Bea.

Wish din ni Bea na sana ay maging katulad nina Dawn at Richard ang tambalan nila ni John Lloyd Cruz pagdating ng panahong may kani-kanya na silang pamilya.

“Kahit kasi may mga asa-asawa na sila (Dawn and Richard), alam pa rin nila kung paano pakiligin ang kanilang fans, meron pa ring mystery at ‘yung sense of maturity nila at friendship, kitang-kita talaga. Gusto ko ganu’n din kami ni Lloydie balang araw,” dagdag pa niya.

Palabas ang The Love Affair in more than 170 theaters nationwide.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleRobin Padilla, nakiusap sa fans na ‘wag tirahin si Maria Ozawa
Next articleJames Reid, binira ng bashers sa pagsakay sa MRT

No posts to display