BEA ALONZO, GOOD KARMA KAY ZANJOE MARUDO!

NATAPOS NA RIN ang unos sa buhay ni Bea Alonzo. Bonggacious ang pasok ng 2011para sa dalaga dahil siya ngayon ang bagong mukha ng Lactacyd feminine hygiene. Lucky charm daw ng actress ang napapabalitang boyfriend nitong si Zanjoe Marudo.

“Maganda rin ang 2010 ko, pero 2011,umpisa pa lang ng taon, sobrang dami ng blessing ko sa lahat ng aspeto. Lucky ako, kasi, he brings out the positive in me,” sey ng aktres.

Saan kaya papunta ang maganda nilang patitinginan ni Zanjoe?

“Hindi ko alam kung saan pupunta. Nagbabaybay kami na hindi pa namin alam kung saan kami dadalhin. Sana sa magandang daan. Pero ngayon, ini-enjoy namin kung nasaan kami, kasi, pareho kaming busy. But we always talk on the phone. Pero parang hindi pa rin napapanahon na pumasok kami sa relationship while we’re both busy, kasi magkaka-problema rin kami.”

Sa tono ng pananalita ni Bea, parang inspirasyon nila ang isa’t isa at ini-enjoy nila kung anuman relationship meron sila ngayon.

“Ngayon, nandoon pa, walang pressure, wala siya kailangang gawin. Wala akong kailangang gawin, nand’yan pa lang kami,” aniya.

Paano ba nag-start ang romantic relationship ninyong dalawa?

“Nag-umpisa lang kami sobrang platonic, kasi, friends kami. ‘Yung sa Sa ’Yo Lamang, nagkataon lang, friends na kami bago pa namin ginawa ‘yun. Nag-start siyang magparamdam last year, end of last year. Nagpapadala siya ng flowers, gifts ganu’n,” kuwento ni Bea.

Obvious naman sa kilos at pananalita niya na malaki ang chance na maging sila ni Zanjoe.

“Oo… kasi ‘yung iba nag-i-speculate agad, pero unfair naman sa amin, kasi, pareho kaming nag-i-enjoy. Paano kapag may dumating na bago, hindi mag-work ito? May dumating na bago sa buhay niya? May bagong dumating sa buhay ko?”

Seryoso si Zanjoe kay Bea, kaya nai-share nito ang past relationship niya sa ibang babae.

“Oo, at ako rin. It’s good, kasi, alam niya lahat ang inperfection ko. Siya rin meron, nai-share niya ‘yun. ‘Yun ang nakakatawa, ina-acknowledge, tanggap namin.”

Sa mga lalaking na -link kay Bea tulad nina Jake Cuenca at Gerald Anderson, puro intriga ang inabot ng magaling na aktres.

“Kapag alam mo naman sa sarili mong wala kang ginagawang masama. Tingnan mo, good karma naman ako. Pero most of the time, ayaw kong magsalita, kasi, marami pa akong dapat ipaliwanag pagdating sa gano’n na wala naman akong ginagawa.”

Naging mag-on ba sila ni Jake?

“Nanligaw siya dati, pero hindi naging kami.”

Totoong   nanligaw din sa  kanya si  Gerald, pero walang diretsong sagot ang dalaga kung naging mag-on sila?

“Crucial ‘yun na ayaw kong magsalita. Gusto ko siya ‘yung sasagot nung mga tanong. Ayaw kong sagutin. Alam naman natin na marami ang magagalit pagdating sa ganyan. Gusto ko na lang tumahimik,” pahayag ni Bea.

Naapektuhan ba siya sa galit ng fans nina Kim Chiu at Gerald?

“Hindi ako apektado. Sanay na ako. Pero siguro worse ‘yung may banta na sa buhay ko. Hindi ko alam kung sino ang gumagawa nu’n. Pinasa- Diyos ko na lang,” pagtatapos ni Bea.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

5 thoughts on “BEA ALONZO, GOOD KARMA KAY ZANJOE MARUDO!

  1. Si bea at zanjoe na i think! kasi naipakilala na ni zanjoe si bea sa mga kapatid at sa tatay niya. Good luck sa kanila sana magtagal sila. Bagay silang dalawa.

  2. tama hinde magagawa ne bea mang ahas ganyan naba ka desperada ang mga fans n kim kahit anu n panera ibenaba2 kay beutyful bea

  3. good karma for bea alonzo??? di cgero dahil pagkatapos nyang ahasin si gerald anderson from kim chiu iniwan nlang sya basta

    the asshole gerald apparently realized that bea is good for nothing …. kaya nga di sila nagkikibuan hanggang ngayon

    • walang inaahas si bea dahil walanamang naging kim at gerald ot bea at gerald kaya dahil wala namang inaamin ang bawat isa even kim or even geralg or bea kaya shut up kase masama yung mapang husga ng kapwa

  4. 2 bea and z hope 2 of you will be end up forever, love u guys,hoping for more movies and teleserye 2gother,don't 4 get 2 thank God for all the blessings…

Leave a Reply

Your email address will not be published.