Bea Alonzo: Dumating na nga ang prinsesa!

The “Bea Alonzo fever is on!”

Pansamantala muna nating patabihin sina Angel Locsin, Kim Chiu, Anne Curtis at maging si Marian Rivera, habang lumalakad sa red carpet si dyaran… Bea Alonzo!

Tiyak na magbibigay-pugay rin sa kanya ang mga prinsesa ng primetime teleserye dahil umabot na sa sukdulan ang tagumpay na inabot ni Bea bilang bagong movie queen via her currently showing na pelikulang And I Love You So! Patuloy rin siyang pinupukol ng mga papuri hindi lamang ng mga ordinaryong movie-goers, kundi ng mga kapwa-artista niya. Papangarapin din nilang magkaroon ng isang project na katulad ng pelikula with no less than Derek Ramsay and Sam Milby as leading men.

Kahit hindi palabas sa SM theatres ang ‘movie of the year,’ aabot naman marahil ito ng isang buwan o mahigit pa dahil sabik ang mga tao sa isang pelikula na gusto nilang ulit-ulitin, iiyakan at mamahalin.

Some six years ago, isang 15-year old ugly duckling ang sinubukang ipareha kay John Lloyd Cruz sa teleseryeng Kay Tagal Kang Hinintay. Bagama’t isang Lorna Tolentino- JLC project ito nag-umpisa, humabol ang ugly duckling when she turned into a lovely princess in the middle of the teleserye which lasted for almost a year. It paved the way for the JLC-Bea tandem which became a love team for the next five years. Sinundan ito ng marami pang JLC-Bea projects tulad ng It Might Be You, Maging Sino Ka Man, Maging Sino Ka Man: Book 2, at ang katatapos lang na I Love Betty La Fea.

Forgettable man sa ngayon ang pagtatambal nila sa pelikula, kahit paano, naghatid naman ito ng Box-Office King and Queen Awards sa kanila mula sa Guillermo Mendoza Foundation Memorial Awards.

Nang mag-hit ang dalawang magkasunod na pagtatambal nina JLC at Sarah Geronimo, kahit paano, nagbigay ito ng hapdi sa puso ni Bea. Ganu’n din nang sundan ito ng project kung saan makakasama pa ni JLC ang Star For All Seasons (Vilma Santos) with Luis Manzano. Akala kasi ni Bea, mapag-iiwanan na siya ni JLC. Alam niya kasing inaakay-akay lang siya ng binata sa bawa’t pelikula o teleseryeng gagawin nila. Kahit paano, gusto rin niyang mapatunayan ang sarili, bilang paghahanda sa muli nilang pagtatambal.

Wala sa hinagap ni Bea na magbabago ang lahat sa pakikipagtambal niya kina Derek at Sam. Thank God! Idinirek ito ni Loren Dyogi na nagbigay-buhay sa isang pelikulang may simpleng titulo, And I Love You So.

Kakaiba ang magic na inilahok sa pelikula. Biglang lundag ng alindog ni Bea at bawat aktres sa ngayon, nangangarap na sana, sa kanila napunta ang role.

“Sobra-sobrang challenge ang hatid ng AILYS! Sobra rin ang ginawa kong paghahanda. Parang make or break talaga. Parang nag-uumpisa ako uli. Naroon ‘yung takot na hindi ko maibigay ang expectations ni Direk Loren. Ngayon lang kami nagkasama at hindi ko alam kung hanggang saan papunta ang role na iyon at hanggang saan ang kakayanin kong gawin. Talagang itinodo ko na. Inilagay ko ang puso ko sa role at dinibdib ko ang role ng isang biyuda na sa edad na 25 pa lamang, nakapagpapalibing na ng asawa, samantalang ang ibang babae ay ikakasal pa lamang at nagsisimula pa lamang ng buhay may-asawa.

“Kung ilalagay n’yo sa lugar ko ang ganu’ng pangyayari, tiyak na mahihirapan din kayo. But with a director like Loren, magpapasalamat kayo nang labis-labis dahil iniaangat ka talaga. Ilalabas niya ang lahat-lahat ng makakaya mo, up to the extent na sasabihin niyang, ‘Tama na muna. Ayoko namang wala nang iba pang maipakikita ka sa mga susunod mo pang pelikula.’” Patuloy niya.

Kahit love scenes ay kinaiingitan din kay Bea. Never has Sam kissed like this before. Marami ngang nagpapa-contest ngayon sa Tv at radio, kung sino ang the best kisser among our big stars. Nariyan sina Piolo Pascual (kay Judy Ann Santos), Richard Gomez (kay Dawn Zuleta), Jericho Rosales (kay Kristine Hermosa), pero inilampaso din sila ni Sam (kay Bea).

Sayang at hindi nabigyan ng chance si Derek na halikan si Bea, ‘pagka’t tulad din ni Sam, papangarapin din siya ng mga anak ni Eba. Baka nga, higit pa. Kapag nagkataon, hindi na hahangaan si Bea ng kapwa niya babae, kundi kaiinggitan at kamumuhian pa.

Bea has rally arrived as a star and an actress. Matagal-tagal din niyang nanamnamin ang tagumapy na ibinigay sa kanya ng mga pangyayari.

“I’m proud of her,” mula rin kay JLC. “I’m so proud talaga. I can’t wait till we work together again. Ibang klase na si Bea ngayon. Ibang level na. Maraming moments niya na gustung-gusto ko roon. ‘Yung naglalasing siya at nagde-deliver ng linya. Para sa akin, iyon na ang kabuuan ng isang Bea Alonzo. Iyon ang crowning glory niya.”

Ngayon lang nagbigay ng ganoong klaseng papuri si JLC kay Bea. Sa tinagal-tagal nilang pagtatambal, ngayon din niya na-discover nang tuluyan ang dalaga. Maramdaman na rin kaya niyang mahal pala niya ang dalaga, after all?

by Chit Ramos

loading...

16 thoughts on “Bea Alonzo: Dumating na nga ang prinsesa!

  1. hoy kulafing in your dream bk mangyari yun kc po d kalidad n artista ang knkh ng star cinema tsk may mga breeding yang c marian walang kalidad kumbga sa alahas mkinang mganda pero hbng tmtgal pmpngit at nwwl n ang kinang in other words wala sya value pero mayron nmn syang kkkkkkkkkkkkkkkk for katiiiiiiiii

  2. Before I forget-I would like to Congratulate Ms.Bea Alonzo as the Best Actress sa MTRCB TV Awards.CONGRATULATIONS AND GOD BLESS YOU!!!

  3. I really admire Bea kasi feel ko talaga she has a pure heart at may takot sa GOD.She promoted her movie na walang tinapakan.Keep it up girl!!
    Sabi ng isang article kung may BOX OFFICE LOVE TEAM winner daw si Bea&John Lloyd. Kasi naman almost 8 years and going strong pa rin.Kung sa mag-asawa nalampasan na nila ang period of adjustment.I admire pa rin kung ano mang realtionship na meron sila.Just like what they said ayaw nilang lagyan ng label.
    Sabi nga ni Butch Francisco- one of his favorite love team is Bea /JLC kasi they don’t just rely on pakilig effect.gusto din daw niya ang MR/DD,Vilma/Christopher.

  4. Isang batikang director ang nagsabi”Di nasusukat sa tilian ng mga tao ang ganda ng pelikula nasusukat ito sa galing ng pagganap ng actor/actress sa character na kanilang ginagampanan”.Napatunayan ito ni BEA kahit di pinakita sa sm cinema kumita ang movie at ang mga reviews napakaganda. 4 weeks na and it is still showing extended pa sa ibang movie theater even abroad.
    No wonder sabi ni JLC after his 2 movies na d kasama c Bea na ang OMC ang favorite niya when it comes to individual character.

  5. Balang araw magiging Box Office Queen din si Marian Rivera pag gumawa sya ng movie sa Star Cinema.

    Tapos makakasama nya ung mga bigatin artista gaya nila Aga Muhlach, Piolo Pascual, JohnLloyd Cruz, Sam Milby atbp. Sana payagan sya ng GMA-7 gumawa sa Star Cinema ng movie para magkaroon sya ng Box-Office movie and later on maging Box-Office Queen. Kasi kung stay lang sya sa GMA Films at REGAL indi nya matatamo ito at iba na din ung makatrabaho mo ung magagaling umarte para magkaroon sya ng improvement. Kelan kaya ito mangyayari?

    Ganun din kay Dingdong Dantes, kung makasama nya sa movie sa Star Cinema mga magagaling na artista ng ABS-CBN im sure darating ang time magiging Box-Office King sya. Kelan kaya ito mangyayari?

    Nagkasama na kasi sa movie sila Marian at Dingdong but certified FLOP.

  6. GANDA AT GALING UMARTE ANG PUHUNAN NYA KAYA SHE’S READY TO SHINE ON HER OWN. HOPEFULLY DI NA SYA MA-ATTACH SA LOVETEAM NILA NI JLC O ANY ACTORS BECAUSE SHE IS A BORN ACTRESS…

  7. magaling talaga si Bea, di lang nabigyan ng right project before, bukod sa magandang mukha, she was blessed with good character of a star, its her time to shine now…her network proved it now without JLC as partner.Ibigay na lang kay Sarah si JLC kasi she need JLC for her acting to improve, and to have a blockbuster movie again.

    • Im sorry but that “right project” should also apply to sarah hindi pa lang din sha nabibigyan..and im sure hindi niya rin kailangan si JLC when the “right project” comes.. si bea nga marami na siya movies before pero ngayon pa lang mapapatunayan kung magaling nga sha compare to sarah na ngayon pa lang nag sstart maging Leading Star ng isang movie compare sa mga movies niya before na puro sha supporting or maliit lang ang role niya.. and si sarah hindi nya kailangan ng magandang mukha to prove na magaling sha..Her talent shows it all.

      • Si Sarah magaling sa singing,si Bea magaling sa acting.May sarili silang talento at ganda.Si Sarah may movie na rin siya before w/ Marc Bautista na di kumita d ba?Ganiyan naman talaga panapanahon lang.

  8. miss chit ramos , kulang ka lang sa pagsubaybay kina jlc and bea , dati ng mahal ni john lloyd si bea,, sinabi niya yan sa harap ni kuya boy abunda ,, at sa tingin ko hindi nawawala ang pagmamahal ni jlc kay bea,, at respeto , hangang sa nag matured, na rin si bea so kung sila man siguro dintined to be,, talaga kasi mahal din talaga ni bea si jlc,, at kilala na nila ang isat isa, at talagang marami ang nagdadasal,,, para lang sila ang magkatuluyan,,, nandiyan ang mga hindi nagsasawang mga fans nila,,, na nagmamahal sa kanila unconditionaly
    kaya alam namin na talagang minahal nila ang isat isa , kahit pa hindi nila sasabihin malalaman mo sa mga kilos at galaw nila,,,,,

    • i agree with you remlyn!! IN TIME lang ang hinihintay natin…. Kaya HOPEFLOATS all the way!!!

      8 yrs of being together? That’s a very big deal…. I’m sure they will make history in Philippine entertainment not just as loveteams but also as individuals! Both are very talented. Sila ang loveteam na hindi plastic and what they let us see is totoo..Even both of them said it themselves. It depends on the people if they believe it or not..Basta tayo, HAWAK KAMAY lang…. We’ve seen them CARE, LOVE AND SUPPORT each other ng todo todo kaya We will believe and support them no matter what! May angking talento sila na nagiiba sa ibang loveteams…. I’m sure they will shine really bright as individual actors and actress…..

      We will support both of them no matter what, even if individual projects or together! Walang Jlc kung walang bea at walang bea kung walang Jlc! Kaya JLC and Bea ang lagi namin susuportahan..We don’t have to be bias… :)

      Oak forever!!! 10,11,12,13,14 FOREVER AND EVER!!!!

  9. saan ka magiging proud. magkano nga ulit ang Budget dito kasi yung comedy na KIMI DORA 20M na eh eto kaya?!

    Bakit di pinalabas sa SM para kapag hindi umabot ng 100M eh may excuse sila hay naku .kawawa naman si BEa wala silang katiwa tiwala tapos kay ATe Vi palabas na nila sa SM dapat hidni rin di ba?! oarang lalo ng naniwala ang tao na excuse lang nila yung movie na eto para di halat na hidn masyadoang kagat compare to other movies.

Leave a Reply

Your email address will not be published.