Guesswhodoes: Bea Alonzo does the eskapo

Malapit na raw matapos ang movie ni Bea with Sam Milby at Derek Ramsay na I Love You So, pero hindi pa knows kung ipapalabas ito ngayong buwan. Lalabas naman daw si Bea Alonzo bilang isang Abigail Fuentabella sa isang upcoming teleserye titled Bukas at Kailanman. Pangalan pa lang ng character ay mayaman at pa-demure na. Ganun rin kaya si Bea sa totoong buhay?

Nadawit ang pangalan ni Bea Alonzo sa isyung Hayden Kho sex video scandals matapos ma-knowing ng mga miron na 40+ sex videos nga raw ang meron ang sikat na doktor. Katulad ng megadaughter na si KC Concepcion, nakuhanan nga raw si Bea habang nagbibihis sa dressing room ng Belo Medical clinic. Sa pag-usisa to death ng inyong mga kaparazzi sa isyung ito sa pre-event mall show ng Pussycat Dolls at Clear endorsers, I’m sure nabuwisit na si Bea sa paglilink sa pangalan niya sa skandalong kumakalat, kaya nag-fly siya paalis ng event ng maaga, huh! Sinagot naman ng tatlong guys na super close kay Bea na sina Jake Cuenca, Sam Milby at John Lloyd Cruz ang isyung ito at lahat sila naniniwalang imposibleng may sex video si Betty. Ows?

Well, h’wag na raw nating intrigahin ang kagandahan ng Betty kasi marami raw siyang endorsements at movies – mahirap na raw magkaroon ng lamat ang pangalan niya ‘no!

By Faith Salazar, Photos by Allan F. Sancon

loading...

3 thoughts on “Guesswhodoes: Bea Alonzo does the eskapo

Leave a Reply

Your email address will not be published.