Bea Alonzo, ‘di lang panglabas ang kagandahan

AFTER THE success of her movie 24/7 in Love last year ay muling mapapanood si Bea Alonzo sa pelikulang Four Sisters and a Wedding kung saan makakasama niya sina Angel Locsin, Shaina Magdayao, Toni Gonzaga at Enchong Dee.

Naging daan ang pelikula para mas maging close pa ang mga lead stars sa isa’t isa.

Kuwento ni Angel tungkol kay Bea, “Si Bea ‘pag kasama mo, always fun. Makikita mo sa kanya iyong gusto niya na masaya lahat sa trabaho. Nakita ko iyong side ni Bea na hindi ko nakikita sa TV. Nakita ko iyong pagiging tao niya. Siguro iyong mga tao na minahal siya on-cam ‘pag nakasama siya off-cam [ay] mas mamahalin siya. Parang ako si Bea, breadwinner. Iniintindi lagi iyong pamilya and nakikita ko kasi kay Bea kaya siya nagtatrabaho [ay] para sa pamilya niya talaga, para sa kapatid niya.”

Sinabi naman ni Toni na masuwerte ang isang tao kapag naging kaibigan niya si Bea.

Puno rin ng mga papuri si Shaina kay Bea, “Mapagmahal na anak, mapagmahal na ate. Very responsible. Sa ilang taon na nakilala ko siya, sobra niya talagang responsible. Pagdating sa pamilya, maaasahan. Feeling ko, she is more than a friend to me. I treat her already as my sister. ‘Pag kailangan mo talaga ng kaibigan, nandyan siya and it’s very comforting to know na meron talagang kaibigan na tulad niya. I’m very, very fortunate na nakahanap ako ng katulad niya.”

Her co-stars’ good words about Bea only prove that she is a beautiful young lady inside and out. Patuloy ang pagbuhos ng suwerte sa kanya because she knows how to share her blessings lalo na sa kanyang pamilya. Bea is a good daughter and a caring sister to her brother.

Kuwento niya sa The Buzz ay hindi nalalayo ang kanyang role sa pelikula kung ano siya in real life. “Parang nanay ako, eh. Parang second nanay niya (ng kanyang kapatid). Siguro dahil maaga akong naging breadwinner so may say agad ako kung saan siya mag-i-school, kung papayagan ba siya sa bakasyon na ganito.”

Close daw sila ng kanyang nakababatang kapatid. “Nararamdaman ko iyong supporta niya at saka iyong pagiging masaya niya for me and I know he’s proud of me,” she said.

Paano naman ang kanyang kapatid when it comes to her lovelife? “Hindi siya mapakialam lalo na sa lovelife. Pero I know when he likes a guy for me.”

Bea revealed that her brother likes Zanjoe Marudo for his ate. “Masaya siya para sa akin kasi masaya ako. Alam niya napapasaya ako ni Zanjoe.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

3 thoughts on “Bea Alonzo, ‘di lang panglabas ang kagandahan

  1. sinong maysabi? ang suplada kaya niyan sa personal…nagshooting na yan sa amin at dyusmiyoooo! ang supladaaaaa! hahahahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.