Bea Alonzo, ‘di kakayanin ‘pag may ibang pinormahan si Zanjoe Marudo

Bea-Alonzo-Zanjoe-MarudoNAPAKAGANDA NG bagong bahay ni Bea Alonzo sa White Plains, Quezon City. Hindi ka basta makakapasok dahil may kuryente ang gate kaya siguradong makukuryente ang mga magtatangkang pasukin ang bagong house ng actress.

Naka-tsikahan ng PMPC carollers si Bea at hindi pumayag ang actress na hindi maghanda ng dinner para sa grupo.

Dahil may sarili nang bahay at maaari na ring sabihin na stable na ang buhay ni Bea, naitanong dito kung handa na ba silang magpakasal ni Zanjoe Marudo, na ayon na rin mismo sa actress, three years na silang mag-on.

“Naku! Wala pa sa plano ang wedding. Bata pa ako, 26 years old pa lang po ako. Ako ang breadwinner sa amin at saka marami pa akong plano sa buhay,” say ni Bea.

1 Bea-Alonzo-Zanjoe-MarudoWhen ask kung anong edad niya balak lumagay sa tahimik? Kaagad naman niyang sinabi,”Siguro five years from now. Pero matagal pa ‘yan,” say pa uli ni Bea.

If ever na ikakasal na nga sila ni Zanjoe. Ano ang dream wedding niya? “Ako, gusto ko sana beach wedding or church wedding at gusto ko maging tahimik lang. Naku! Huwag na nating pag-usapan ang wedding. Kapag nakarating ito kay Zanjoe, magulat pa ito. Baka akala niya, gusto ko nang mag-asawa. Hahaha!”

Trust at walang selos factor ang sikreto raw ng kanilang relasyon ni Zanjoe kaya walang nagiging problema. May tampuhan, pero maliit na bagay lang at naayos naman daw kaagad.

Ayaw lang daw mangyari ni Bea na mabalitaang may ibang babaeng pinopormahan si Zanjoe. Hindi raw niya ito mate-take dahil madali siyang masaktan kapag may third party involved na sa kanilang pagmamahalan.

Right now, masaya sila at maging ng kanilang pamilya sa bagong bahay. Magkakasama raw silang lahat ngayong Pasko.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

4 thoughts on “Bea Alonzo, ‘di kakayanin ‘pag may ibang pinormahan si Zanjoe Marudo

  1. Pingback: Bea Alonzo, ‘di kakayanin ‘pag may ibang pinormahan si Zanjoe MarudoLatest Showbiz Scandal | Latest Showbiz Scandal

  2. Pingback: Bea Alonzo, ‘di kakayanin ‘pag may ibang pinormahan si Zanjoe Marudo - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.