Bea Alonzo, banned sa SM! By Ambet Nabus

MAY MGA NAKAUSAP kaming theater bookers na nagkumpirmang may hidwaan nga raw yata ngayon ang SM Cinemas at ang Star Cinema.

Kahapon nagbukas ang And I Love You So nina Bea Alonzo, Sam Milby at Derek Ramsay na nagkaroon ng well-attended premiere night sa Trinoma Cinema noong Martes.

Ang naturang premiere night nga raw ang ikalawang pagkakataon na sinuway ng Star Cinema ang pakiusap ng SM Cinema management na sa kanilang sinehan at least idaos ang lagi naman nilang ginagawang celebrity screening.

Dahil dito, nagdesisyun daw ang Henry Sy owned-theater circuit na huwag ipalabas sa mga sinehan nila nationwide ang napakagandang obra ng Star Cinema.

Sinubukan naming kunin ang side ng Star Cinema sa isyu pero hanggang sa sinulat na namin ito ay hindi sumagot ang aming kontak.

On the other hand, naniniwala kaming may mas malalim na dahilan ang parehong grupo.

Pero hindi kaya panahon na para sa SM Cinema management na muling rebesahin nila ang mga items ng kanilang mga sinehan?

Ilang ulit na bang napag-usapan ang poor quality ng karamihan sa mga SM cinemas gaya ng kanilang pangit na sound equipments, ang malalabong projector na halos hindi mo na makita ang mga subjects sa screen, ang mga halata namang pininturahan lang na mga facades ng isruktura nila, ang mababahong CR, ang mainit na aircon, ang walang laman na mga snack bars nila at ang mga sobrang OA na mga guards na every time na lang mayroong mga celebrity screening ay parang laging giyera ang binabantayan?

MABUTI PA SI Marian Rivera, super happy ang nais ibahagi sa lahat.

Bukod kasi sa napatunayan nitong may K siyang tawagin bilang si Queen of Primetime, eh, laging positive ngayon ang aura ng maganda at seksing Darna.

Yup, napakataas nga ng nakuha nitong pilot episode rating at mukhang on its way naman sila to maintain it.

Although ayaw akuin ni Marian nang solong-solo ang naturang taguri dahil aniya, “group effort po talaga kami at marami ang puwedeng tawaging reyna ng primetime. Masaya na kaming nagustuhan ng mga tao ang trabahong pinaghihirapan namin.”

May kasunod na agad ang Darna ni Marian kaya’t lalabas na mula Lunes hanggang Linggo ay nasa TV siya. Ito nga yung pagtatambalan nila ni Manny Pacquiao na Show Me the Manny na siyang papalit dun sa weekend show ni bosing Vic Sotto.

“Masaya ang rapport namin sa set. Kuwela ang pagiging komedyante ni Pacman. Ibang klase ang humor,” kuwento pa ng seksi at magandang bagong Darna, na hindi raw natatakot matsismis sa boxing hero natin.

“Hello, masayang masaya at very positive ang lovelife ko. Si Manny naman ay kitang-kita rin na may masayang family life. Magkatrabaho kami at nagba-bonding kami ngayon bilang magkapatid sa trabaho. Magpapaturo nga akong mag-boxing sa kanya,” ang natatawa pa nitong tinuran.

May upcoming movie this August si Marian at may ginagawa din siya para sa isang MMFF entry. May upcoming commercial din siya (pang-16 na yata) at gaya nga ng kanyang nasabi na ay may balanced siyang lovelife. Marami nga ang mamatay sa inggit kung ganu’n, di ba kapatid na Alex Brosas?

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

15 thoughts on “Bea Alonzo, banned sa SM! By Ambet Nabus

  1. sayang tlga…ung 3.4million na kinita b un…baka
    kung naiplabas s sm malls mas mlaki p ang kinita…sayang tlga
    sana maayos na agad ang gulong i2 prng
    ung gulo ng sm at regal b4.

  2. Itong AMBET NAMBUS na to. Bobo ka noh? Hindi BANNED si BEA sa SM Cinemas. Choice ng Star Cinema na di ipalabas ang mga movies nila sa SM Cinemas dahil sa maling computation sa mga kita ng mga pelikula niya. Puro mali at paninira lang isinusulat mo.

  3. Itong AMBET NAMBUS na to. Bobo ka noh? Hindi BANNES si BEA sa SM Cinemas. Choice ng Star Cinema na di ipalabas ang mga movies nila sa SM Cinemas dahil sa maling computation sa mga kita ng mga pelikula niya. Puro mali at paninira lang isinusulat mo.

  4. May nabasa akong article, mababa daw ang kinita ng movie nina Bea at Sam. Siguro naka apekto din ang hindi pagpapalabas sa SM.

  5. and I love you so is breaking box office records and will soar even higher this weekend, that’s even without sm cinemas!

  6. hay naku di parin tlga naka move on ang gma 7 with angel locsin…well ganun talaga ang life….atleast angel prove na kaya nyang kumawala sa mga fantaserye nd become more daring in here roles nowadayss…
    look if matapos na ang darna which happens to be a fantaserye what will happen to marian if she will switch to a more serious and daring dramatic roles??? iam 100% pretty sure that she will not be hot anymore…..it is obvious sa babaeng tadyang who really got a low ratings..i pity marian coz she became a puppet of gma 7,, i wish that she can show more flexibility like the other actresses of abs cbn….
    i am very much disagree nd i strongly object that gma-7 called marian as a prime time queen,sa gnwa ng gma7 marian haters will be alive again,walang pang napapatunayan si marian kya di sha pwdeng ihanay kina judy ann at claudine…it is obvious that everything that marian has now like fame,endorsements,promo etccc. were all manipulated in a dirty tactics just to put marian to pedestal….as a reader nd as a viewer, i can say that PEP is kinda biast wen it comess to marIAN’S issuess nd promos prang one sided,wen it becomes to gma 7 napaka lenient nila,pag abs cbn the barrier is there,,nd i pity to other stars of gma-7 kse they were all become a shadow of marian..so sadddd…
    for me dalawa lang ang reyna ng philippine soap opera Nd drama series..
    JUDY ANN SANTOS—SOAP OPERA SUPERSTAR
    CLAUDINE BARETTO–OPTIMUM TELeserye QUEEN
    nd the rest are just their princesses……
    and no one can replace the great queens of movies nd entertainment
    NORA AUNOR-SUPERSTAR
    VILMA SANTOS-STAR FOR ALL SEASON
    SHARON CUNETA-MEGA STAR
    MARICEL SORIANO-DIAMOND STAR
    wala pang artista sa henerasyon ngayon kung ano man ang naabot ng apat ng reynang eto even judy ann and claudine… nd i was amaze that juday nd clau knows kung saan sila dapt lumugar,kya minahal sila ng tao nd thats why they were given a title of their own…both were also queens in their own rights as the queens of telenovela in different genre at infairness judy ann and claudine had their own kind of flexibilities when it comes to role mapa drama,action,fanatasy nd etccc..compared to marian when she did babaeng tadyang she failed to deliver it well kht sa drama….so much about marian..iam very excited sa new telenovela ni angelica na rubi atleast si angelica panganiban walang kaagaw sa kanyang title ang bidang kontrabida…kung tutuusin angelica is a great dramatic actress dahil nakaya nyang makipagsabayan kina maricel soriano,vilma santos,claudine baretto nd judy ann santos,, but sad to say she has lack of support from her home network,, nd saludo ako sa kanya because she remain loyal….
    abangan nalang natin ang rubi bcoz it is more different from other teleserye…^_^

  7. Kayong mga reporters na nagsusulat tungkol kay Marian ay binayaran kayo ni Wilma anung mataas ang rating panoorin nyo nga ng mabuti ang pilot nila at sabihinin nyo kung maganda ,,, tingnan nyo yung mga alimaw nila graphics………..magsabi kc kayo ng totoo, wag palagi pera lang ang pinapairal nyo , dapat mag-iwan kayo ng dednidad sa sarili nyo.

  8. Marian deserves everything that she has and is still coming ehr way! Obvious ba that God knows. na totoong tao ang Marian. She is well liked now by a lot of people. Obvious din ba that the Demolition jobs has no more effect, b’coz we know the real Marian Rivera.
    Beautiful, truthful, lovanle, bubbly, totoong tao. I really appreciated Marian, I never thought that I could idolized someone like her after all these years that I am not so into showbiz. Iba ang charm ni Marian talaga!

  9. Di kasi tama ang computation daw ng kinita ng mga SC movies kaya ayun. Talo ang SM dito dahil pipila at pipila ang ma tao sa ibang sinehan kung maganda talaga ang pelikula. And alam naman nating QUALITY MOVIES ang STAR CINEMA at SM ang lugi dito.

  10. naku, lagot ang SM Cinema! anong klaseng hidwaan ba yan? LOL!

    alam nyo naman ang ABS-CBN magaling gumawa ng istorya kaya humanda kayo at baka sisiraan din kayo ng ABS just like what they did to AGB Nielsen!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.