Bea Alonzo, ayaw sumawsaw sa balik-tambalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson

Bea Alonzo, Kim Chiu and Gerald Anderson

Bea Alonzo, Kim Chiu and Gerald Anderson

Kapamilya dahil nasa pangangalaga ng Star Magic sina Bea Alonzo at Kim Chiu, at iyon ang pinanghahawakan ng original na ka-love team ni John Lloyd Cruz para hindi maapektuhan at sumagot sa mga pangne-nega, na siya diumano ang kontrabida sa nakatakdang balikan ng tambalan ng dating magkarelasyong sina Kim at Gerald Anderson. Marami kasi ang humihiling sa Star Cinema na muling pagtambalin ang dalawa.

Hindi sawsawera sa mga intriga si Bea. Dahil nu’ng mabuwag ang love team nina Kim at Gerald na nakaladkad ang kanyang pangalan nang umano’y sinimulan na siya noong ligawan ng guwapong aktor, nanahimik lang si Bea kahit may grupo ng fans noon na nagpakalat ng pagbabantang bubuhusan daw ng asido ang mukha ng ex-girlfriend ni Zanjoe Marudo.

Nang magkahiwalay sina Kim at Gerald, natapos ang isyu at natahimik din si Bea sa mga nang-iintriga sa kanya noon. Pero iba na sa pagkakataong ito, dahil kung ibabalik man ang Kimerald love team, hayag na rin ang magandang relasyon ngayon nina Bea at Gerald. Hindi na bagets ang aktor, kaya makapareha man niya ulit si Kim, maipaglalaban na rin niya ang relasyon nila ni Bea. Dahil nagagawa ni Bea na ipaglaban ang karelasyon niya kahit na si John Lloyd lagi ang kapareha niya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

One thought on “Bea Alonzo, ayaw sumawsaw sa balik-tambalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson

  1. oo naman..wala naman talaga siyang paki duon…at saka yang si Gerald /Bea na yan, lilipas din yan, si Gerald pa…iiwan din nyan si Bea, like the rest…

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.