Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, sayang lang kung mauuwi sa wala

Bea-Alonzo-Zanjoe-MarudoKAYA PALA hindi muna natuloy ang presscon ng The Love Affair nina Dawn Zulueta, Bea Alonzo, at Richard Gomez ay dahil na-move din ang playdate ng pelikulang nakatakda sanang ipalabas ngayong third week ng July. Sa August 12 na ang bagong playdate ng pelikula ng Star Cinema.

Excited pa naman kaming makausap si Bea Alonzo dahil may isyu sa kanila ng boyfriend na si Zanjoe Marudo. Siguro, bago naman mag-presscon ay na-patch-up na nilang dalawa ang kanilang pinagdaraanan, kasi sayang naman kung mauuwi lang sa wala ang lahat, huh!

Gusto rin naming malaman kay Bea kung na-starstruck ba siya habang kaeksena si Dawn lalo na du’n sa confrontation scene nila. Pinag-uusapan kasi sa social media ang trailer ng movie at kung paano tinawag ni Dawn na malandi si Bea.

Regarding her love scene with Richard, wala pa kaming nakikita sa trailer ng movie. Baka puro Dawn lang muna. Alam n’yo naman, magaling mag-strategize ang Star Cinema pagdating sa ganyan. ‘Yung hindi lahat ay ibibigay sa teaser.

Winner din ang poster ng The Love Affair dahil nakalagay lahat ang mukha ng tatlong bida dito. Tiyak walag magrereklamo sa billing ng pelikulang idinirek ni Nuel Naval.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleRichard Gomez, kaiinggitan ang pagiging ‘hot papa’ sa pelikula
Next articleAndrea Brillantes, biktima ng iresponsableng paggamit ng cyberspace

No posts to display