Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, mahigit isang buwan nang mag-dyowa

HINDI NAMAN DAW totoo na nanliligaw pa lang si Zanjoe Marudo kay Bea Alonzo. Say ng aming source, magdyowa na ang dalawa. Kaya naman natatawa na lang siya dahil sinasabi ni Zanjoe na nasa courting stage pa lang sila ni Bea.

Maraming beses nang na-sight na magkasama sina Bea at Zanjoe. Nang magpa-party ang Magkaribal last year, present ang hunk actor kahit na hindi naman siya kasama sa cast.

Sa Grand Ball ng Star Magic last year, magkasama rin sina Zanjoe at Bea. At noong ikasal ang friend na basketbolista ni Zanjoe, karay-karay ng hunk actor si Bea. Magkasama sila at sweet na sweet sila hanggang sa reception.

“More than one month na silang mag-on, ‘no!” Sabi ng aming source na natatawa na lang sa mga statements ng hunk actor.

After daw magkaroon ng MU (mutual understanding) nina Bea at Gerald Anderson at saka umeksena si Zanjoe. Sinasabing noong December pa ay sila na ang magdyowa, kaya naman hindi na ipinagpilitan ni Gerald ang kanyang sarili sa dalaga.

Natsismis na naghiwalay sina Bea at Gerald noong last leg ng European tour ng Star Magic last year. Pagdating naman dito ay tinanggi ni Gerald ang break-up issue sa kanila ni Bea. Si Bea naman, no comment na lang sa issue sa kanila ng favourite leading man ni Kim Chiu.

FIVE-DAY VACATION ANG ibinigay ng manager ni Sandara Park kaya naman bitin ang kanyang pagrampa with some friends last week. At pinagbawalan pa siyang magpa-interview at umapir sa telebisyon.

Sa condo ni Melissa Ricks tumira si Sandara for a few days kasama ang sister niyang si Durami. Um-attend siya sa birthday party ni Melissa at doon niya na-meet si Jake Cuenca at iba pang celebrities tulad nina Roxanne Guinoo, Joross Gamboa, Enchong Dee, Jed Madela, Sam Concepcion, Young JV, Drei Felix, Nyoy Volante, RJ Jimenez, pati na ang kapwa niya Korean na si Ryan Bang.

Natatawa kami sa pinagsasabi ni Sandara sa tsikahan niya with her SCQ friends. Sinabi kasi ni Sandy na naging dyowa niya for a time si Hero Angeles at niligawan niya si Joseph Bitangcol.

HINDI NAMIN PINALAMPAS ang pagkakataong kumustahin kay Valerie Concepcion si Willie Revillame na nakasama niya nang matagal sa Wowowee.

“We have no contact at all. Nag-iba na yata siya ng number, eh. In fairness naman, noong hindi na sila nagkaayos ng Dos, nagte-text naman ako, nangungumusta ako. But then after noong nagkademadahan na, wala na kaming communication,” esplika ni Valerie sa presscon ng The Wedding Library.

Malaking utang na loob para kay Valerie ang kanyang hosting experience sa Wowowee.

“In fairness to Kuya Willie naman, I am not Valerie the host if not for Wowowee. So, I’m really thankful and grateful sa kanya for the chance na ma-discover ‘yung pagiging host ko. But you know, nasa TV5 na siya, may Shalani na siya,

it’s time to move on, move forward.”

Nakaapir na si Valerie sa Face to Face at Talentadong Pinoy sa TV5. May offer siyang regular soap sa Singko, pero hindi niya ito tinanggap dahil magsisimula na rin siya sa isang soap sa Dos.


Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.