Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, kumpirmadong nagde-date na!
- Wednesday, December 22, 2010, 20:28
- Usapang Paratsi
- 12,320 views
- 46 comments
LAST SUNDAY, NASAKSIHAN namin ang pictorial ng mga nagga-gandahang aktres na sina KC Concepcion, Anne Curtis, Bea Alonzo at Angel Locsin para sa ginagawang book ng magaling at sumisikat na young photographer ngayon na si Mark Nicdao.
Tama, sama-sama ang apat na aktres sa ilang layouts/shots. Ang gaganda nila! Grabe!
Dahil sa sama-sama silang apat, nasabi ni KC na: “Feeling ko, after nito, bestfriends na tayong apat! I’m so happy and excited for this!”
At ang maganda pa, walang nangyaring sapawan kina KC, Anne, Bea at Angel. Masayang nag-umpisa at natapos ang photoshoot.
Kinumpirma naman sa amin ni Bea na kasaluku-yang lumalabas o nagde-date sila ni Zanjoe Marudo! Nu’ng birthday ng aktor last July, nakita namin silang magkasama sa Resorts World with ABS-CBN TV executive Deo Endrinal and their handler Monch Novales.
Inisip na lang namin noon na kaya siguro sila magkasama dahil iisa ang handler nila.
Pero later on, every time na nakikita namin si Zanjoe, lagi s’yang busy sa text. Si Bea kaya talaga ang madalas n’yang ka-text?
Kung totoo man talaga ang chikang ‘to at pag-amin ni Bea, at least, hindi na malamig ang Pasko ng dalawa, matapos magkahiwalay ng landas nina Zanjoe at Mariel Rodriguez at nina Bea at Gerald Anderson na diuman’oy naging mag-on!
Ano kaya ang reaksyon dito nina Mariel, Gerald at Kim Chiu? Pati si Kim talaga, oh!
KINUMPIRMA NG LEADING lady ni Vic Sotto sa MMFF entry nito na si Gwen Zamora nang makausap namin last week na talagang dinadalaw raw s’ya ng kanyang crush na si Aljur Abrenica sa taping ng Bubble Gang.
Ang kanyang favorite na iced tea from Starbucks daw ang la-ging dala ni Aljur para sa kanya.
Kinikilig kaya si Gwen ‘pag dinadalaw s’ya ni Aljur sa taping? “Okay lang,” nahihiya ngunit nakangiting sagot ni Gwen.
In the mean time, kinausap na raw ni Gwen ang napabalita noon na pumorma sa kanya na si Ervic Vijandre na maging magkaibigan na lang sila.
BAKIT KAYA MARAMI pa rin ang naiintriga kung hiwalay na nga ba raw talaga ang mag-asawang Jodi Sta. Maria at Pampy Lacson? Dahil kaya hindi masyadong nagkukuwento si Jodi sa mga interviews n’ya ‘pag tungkol sa family na n’ya ang mga tinatanong sa kanya?
Sa Twitter account ng magaling na aktres, wala kaming nabasa, ni isa, na nagtangkang magtanong tungkol sa kanyang married life. Ang nakakaloka, mas may mga nagtatanong pa tungkol sa kanyang ine-endorse na Gluta-C! Although, parang wala kaming matandaang nabanggit ang pangalan ni Pampy sa mga tweets ni Jodi for the last two months. Pangalan lang ng anak nilang si Thirdy ang nabasa namin. May picture din silang mag-ina lang.
Well, sana nga ay okay pa rin up to now ang pagsasama nina Jodi at Pampy.
RUMAMPA KAYA NANG naka-Quantum pendant at undergarments lang kagabi ang mga nagugu-guwapuhan at nagseseksihang sina Jon Avila, Andrew Wolff, Daniel Matsunaga, Guji Lorenzana at ang ex-dyowa ni Chx Alcala ng Pinoy Big Brother (PBB) Season 1 na si Love Thadani sa ginanap na Fashion and Fusion 2010 ng Beau Visage modeling agency sa Plenary Hall ng Philippine International Convention Center (PICC) for the benefit of Heart Foundation, OFW Club at Hope for Children Foundation? Hihintayin natin ang kanilang mga pictures para makita natin dito. At least, nakatulong silang lahat sa mga foundation na nabanggit ngayong Kapaskuhan.
Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Show biz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log-on to www.DWIZ882.com. Maraming salamat po!

Franz 2 U
by Francis Simeon
bea da best talaga
totoo namang si Angel Locsin lang ang pangit dian! Di mo yan ayusan at makeapan mukhang ordinaryo lang di gaya nina KC at Anne, artistahin talaga ang dating
hay naku, baka nga ikaw kahit may make up na panget ka parin wat more kung wala? hahaha
hala..bakit si bea at zanzoe ang mag-kasama…paano na lang si gerald? give-up pa naman ni gerald loveteam and fans dahil kay tisay…at paano na lang ang bearald fanatics?….hala kayo..labs na labs pa naman daw ni tisoy gerald si tisay bea..
if true ito kawawa naman si gerald anderson… hehehe.. sabagay mukhang he was able to score to the max na kay beibei….hahaha….ayon sa kwento ng mga bearald fanatics…nag-honeymoon na nga daw…sa London…baka nag-kasawaan na gabi2 ata scoring to the max… hay showbiz peps…bilis ma-inlove bilis din mag-sawa…
bakit walang balita about Angel Locsin?!? nakakainip na!
pinoy parazzi, pwede ba palitan na ninyo ang mga issues na ito, isang linggo na ito ah. Bakit di kayo tumulad sa pep portal na updated lagi ang kanilang showbiz news.
naku bea,,,magugulo ang tahimik mo na life,,,wag ka na munang mag entertaing ng guys,,saka na,,23 kapalang,,,baka iyan ang ikasira mo,,kung ano anon ng sinasabi ng tao sayo dito,,,hayyz,…we love u bea kaya ayusin mo sarili mo at wag kang pasisira just sa guys lang,,im sure,,GOD COOKING SOMEONE FOR U,,soon,,,,wag si xanjoe na walang dating at wala lang,,,,u deserved a decent man,,,na may takot sa dyos,,soon,,bata kapa iha,,
It’s only a date. A person can date more than one just to know them. Let’s all get a life and leave them alone.
excuse me? decent naman si zanjoe, parang kilala mo siya para magsalita ka nang ganyan sa kanya.
hahaha nakakatawa naman at hanggang ngayon kinakabit pa si zanjoe sa 1 gay exec. eh hindi naman totoo,nirerespeto naman niya ang 3rd sex at sinabi naman niyang hinding hindi siya papatol.
baka naman ibang HUNK actor ang tinutukoy nyo pumatol sa gay exec na yan. ako knows ko kung sino. :P
BAGAY SILA. PAREHONG GUAPO/GUAPA. NOT TRYING HARD.
c bea d lang lalaki pwede din sa babae…at least versatile lol
hahaha
Close ba kayo?