Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, kasal na lang ang inaabangan

KASAL NA lang din ang inaabangan tungkol sa relasyon nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, dahil sa mga panahong ito ay kilala na talaga nila ang kanilang mga sarili at patuloy pa silang nasosorpresa sa marami pa rin nilang nadidiskubre tungkol sa ugali ng isa’t isa habang patuloy na lumalalim ang kanilang pagmamahalan. Kapag nagmahal si Bea sa isang lalaki, naroon talaga lagi ang kanyang pag-asam na maging panghabambuhay na sila.

Pero inaalat lagi si Bea pagdating sa pakikipagrelasyon sa mga lalaking ayaw umalagwa ang career patungo sa kasikatan.  Madalas na ang nangyayari, dahil ang nakakarelasyon niya ay nabibiktima ng mga kantiyaw na super sikat si Bea, pero kulelat ang career ng karelasyon. Kaya ang mga naunang nakarelasyon ng magandang aktres ay nadidiyahe at sumusuko na lang, hanggang sa lumamig at mauwi na lang sa hiwalayan ang relasyon nila.

May kakaibang suwerte kasi si Bea pagdating sa career, dahil mahal niya ang kanyang trabaho bilang artista, kaya naman hindi siya nababakante. Sa mga panahong nananahimik lang ang aktres, subsob siya sa trabaho, kaya nga nakatapos na naman siya ng isang bagong pelikula, ang She’s The One ng Star Cinema, kasama sina Dingdong Dantes at Enrique Gil.  Magaling magbalanse si Bea ng career at lovelife, dahil nakakaya niya iyong pagsabayin. Winner din ang kanyang ganda, dahil mas inuna niyang makilala bilang aktres kesa unahin sa showbiz ang pakikipagligawan gaya ng iba d’yan.

AYAW NA rin naman talaga ni KC Concepcion na mapag-usapan pa ang mga kabuntot na kuwento tungkol sa hiwalayan nila noon ni Piolo Pascual. Ang nahihirapan lang siya, sa tuwing mayroong interbyu sa kanya ang mga press ay hindi naman siya tinatantanan. Na sa bawat tanong na ibinabato sa kanya, hindi nawawala ang mga pahapyaw na tanong tungkol kay Papa P. na kadalasang kapag sinagot niya, nagreresulta sa mga pagbibintang na bitter pa rin siya hanggang ngayon sa kanilang hiwalayan.

Pero naiintindihan naman ni KC na kung gaano kahirap kalimutan ang tungkol sa malungkot na nangyari sa kanilang dalawa ni Piolo, ganu’n din naman iyon sa maraming tao sa showbiz, dahil isa naman talaga iyon sa relasyong inamin at ipinagmalaki niya. Pero para sa kanya, matagal na iyon, at parte na lang ng nakaraan na patuloy niyang pinagsisikapang makalimutan. Ramdam ni KC na napagtatagumpayan na niya ang nasabing paglimot.

Gusto ni KC na maging sobrang busy sa kanyang career. Pagkatapos ng teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala ng ABS-CBN, leading lady naman siya ngayon ni Laguna Governor ER Ejercito sa pelikulang Boy Golden na isasali sa darating na Metro Manila Film Festival sa December. Bongga sa ganda ang pictorial ni KC sa nasabing pelikula, dahil action ang dating at para siyang si Angelina Jolie sa kaseksihan na kanyang ginawa habang may hawak na baril.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

13 thoughts on “Bea Alonzo at Zanjoe Marudo, kasal na lang ang inaabangan

  1. hindi pa rin ba maka-move on si kc kay piola? ano nangyari dun sa manliligaw niyang foreigner? may bahid din ba kaya inayawan teh? haha

    • Ang problema kay KC, alam naman niyang GIMMICK lang yun ng Ignacia, si tanga tinutuhanan naman. Jusko, kahit pala sa Paris pa siya nag-aral di pa rin pala yun sapat para di siya tamaan ng KASHUNGAHAN no?! Tuloy sa kabitteran niya eh unti-unti na siyang nalalaos. hakhakhak!

  2. we will forever support her projects, may it be a magazine, TVC, endorsements, feeding program, teleserye or movies. we are your global supporters. Go. Fight, Win Kace. (^_^)

Leave a Reply

Your email address will not be published.