Bea Alonzo at Marian Rivera, pinipilit pagsabungin

PARA SA amin, hindi dapat pagsabungin sina Bea Alonzo at Marian Rivera, kung saan balita na nagpadala ng pastries ang huli para kay Bea dahil katambal ito ng boyfriend na si Dingdong Dantes sa pelikulang ginagawa nito ngayon sa Star Cinema.

Hinahaluan pa lalo ng intriga na kahawig daw ni Bea ang dating na-link kay Dingdong na si Bela Padilla, alam naman ng lahat na masaya at kuntento sina Bea at Dingdong sa kanilang buhay pag-ibig kung kaya’t hindi tama na palabasin na naaalarma raw si Marian sa pagpapareha ng dalawa.

Bukas si Dingdong sa pagsasabi na nakikita na niya kay Marian ang babaeng gusto niyang pakasalan at sa tinatakbo ng kanilang relasyon ay nakikitang lumalalim at tumatatag ito. Sa parte naman ni Bea ay kitang-kita naman dito ang kakuntentuhan at saya nito sa piling ng boyfriend na si Zanjoe.

Kung may gawin mang good gesture si Marian para pasalamatan si Bea dahil sa kabaitang pinapakita nito sa kanyang boyfriend, ‘di na dapat lagyan pa ng malisya ng ibang tao at gawan ng intriga. Sa tingin namin, wala ng lugar ang selos sa relasyon sa ngayon nina Dingdong at Marian at kampante na sila sa kung ano ba ang lugar nila sa puso ng bawat isa, lalo’t marami na ring napagdaanan ang kanilang relasyon na matagumpay naman nilang nalagpasan.

 

Richard Poon, ayaw pang magbuntis si Maricar Reyes

 

SA INTERVIEW ng Cinema News kay Richard Poon nu’ng nakaraang Linggo sa ASAP 2013, agad na kilnaro sa amin ng singer na hindi pa buntis ang asawang si Maricar Reyes gaya ng nababalita.

Ayon kay Richard, handa na naman sila kung saka-sakaling magbuntis nga ngayon si Maricar, pero mas gusto niya na mangyari pa ito isa hanggang isa’t kalahating taon kung saan maibibigay niya muna nang buong-buo ang pagmamahal, atensyon at oras sa asawa bago pa man sila magkaanak.

Aminado na sa ngayon ay nasa adjustment period sila ni Maricar, kung saan ngayon niya natutuklasan ang mga bagay-bagay sa asawa. Isa na rito ay ‘di pala ito mahilig sa itlog samantalang paborito naman niya ito. Maaga namang matulog ang aktres samantalang sanay naman siyang mapuyat dahil nagbanda siya noon bago pa man pumalaot sa showbizness. Mga pagkakaiba na ayon nga kay Richard ay alam niyang nagdadagdag ng tamis sa pagsasama nila ng asawa, ilang buwan pa lang kinakasal at ngayon niya unti-unting nakikilala ang asawa.

Masaya rin dahil nag-gold ang album niyang Legends na kauna-unahan niyang pop album pagkatapos maging matagumpay ang lima niyang naunang mga albums na pawang jazz at big bands songs. Ito ay sa ilalim ng Universal Records, para kay Richard ay sobra niyang naa-appreciate na nag-gold ang album niyang ito dahil alam niya kung gaano kahirap magbenta ng album ngayon. Pero sa kabila nito ay patuloy siyang sinusuportahan at tinatangkilik ng kanyang mga tagahanga.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

17 thoughts on “Bea Alonzo at Marian Rivera, pinipilit pagsabungin

  1. Ilusyonada naman tong c Inday Garutay y Palengkera na to. Ilelevel ke Bea yan e P19 million lang gross ng FLOP nyang My Lady Boss. Ang sabihin nyo, kalevel lang nya c Melai sa ABS dahil hndi nagkakalayo ang gross ng movies nila! Mas mataas pa nga ng konti ung ke Melai e considering Primetime Queen of Kamuning pa nmn yang c Marianhindot. Sinamahan pa ng Primetime King Retsard tapos tinambakan pa ng samot saring starlets from Protigok, Survivors, Startruck pero still FLOP pa rin ang OVER OVER SA DELAY AT NAMOVE na movie.

    • nyahahahah si Chicharot,,,nag Bitter ampalaya na naman,,,nyahahahha hindi maka move on,,sa kasikatan ngayon ni marian,,,,ikaw na te!,,may multi million contract sa GMA,,,,si Bea kaya magkano TF niya,sa Dos,,nyahahha bakit balitang gusto na rin niyang mag over the bakod,,,,,,nyahahha,,,,

      • Kaya hindi makaalis si Palengkera sa siyete, walang gustong tumanggap sa flop queen. Ang tataas ng mga TF ng mga talents ng dos. Kaya nangangarap ang marami sa siyete na matanggap a kabila. Sa siyete kasi, de lata at bigas lang. Ha ha ha.

  2. terter i love you very much. Sana pansinin mo uli ako. Mahal na mahal kita. Pls love me again.

    //mas maganda si marian period

  3. nanahimik si marian todo sunod ng mga mhilig gumawa ng stories..hays she is like us human with feelings..katulad nitong alex brosas na ito article nya puro marian na paninirang puri laht k marian..ala na ba syang ibang pwdng sirain aside marian..ganyan ata kasikat ung taong bnbaboy nyo eh..a good writer writes a good article..bato bato sa langit tamaan pangit at chaka ang ugali..

  4. at tsaka naman teng, lahat na ng nega bnato sa kanya..sya lang ata ung manahimik or magsalita my massbi ang tao..well she deserves respect teng….pag sinabing marian rivera madaming negang nagcocomment..if u dont like her y comment ait? siya ung transparent king of woman noh teng….what u see is wat u get..she is not fake…she is real unlike other celebrity na daming tinatago sa katauhan..pag nabuko saka lang aalma..eh si marian k sumagot or hindi sa intriga sya at sya parin ang masama,,,give her a peace of mind no…

  5. Sus, kasi daming flak lately ni Marian so para me magandang pag-usapan, pilit isinasabong sa mga top caliber na artista gaya ni Bea, yung dati ke Angel. Bagsak kasi rating and popularity ni MR. Pag medyo nagkaedad ka magagaya ka sa isang super yabang din nuong namamayagpag pa siya, ngayon laos na payag na lang siya ng barya baryang bayad. Sino ba iyon, tila RR initial. Kaya MR start ka ng mag ipon para di ka magaya ke RR.

    • sus makapag react ka naman todo nega…u dont know marian well..like me i dont have the right to judge her coz i dont personally know her..but to those hu really knows marian, they have the right to speak the real marian rivera noh….at saka dka naman kawalan k marian noh..ung totoong nakakakilala sa kanya eh ung mga true frends nya on and off cam..peace be with u….Godbless

      • Kung mabait ang isang tao, di namimili. Based sa sinabi mo, mabait lang siya sa kanyang few chosen friends at pangit ang ugali sa majority na naka encounter siya. So plastic as you described her. Hahaha, ganyan ba ang hinahangaan mong artista. Bakit siya lang ang bukod tanging laging inirereklamo ng sambayan. Stop defending her kasi ang dami niyang BI referring to her, daming reklamo from all sides, mahirap, mayaman, malaking kompanya, mga endorsers, reporters, kapwa artista and daming bad write ups. So in general what is the conclusion, BAD, BAD, BAD, DAB, DAB, DAB. ADB. ADB, ADB, BDA, BDA, BDA. Kahit pagbali-baligtarin, iyon pa rin ang suma. SUS!!!

      • Nah. You’re just judgmental because you’re against her. And all her co-stars have great things to say about her. Those who know her are privy to the truth…The thing is, there are a lot of petty and small minded people who just want to bring her down, and that includes you haters. Kung ayaw mo lang kasi sa isang artista, wala ka lang pakialam…parang ako, I don’t like…say….Judy Ann Santos…wala lang ako comment kahit ano pa ang write up sa kanya. Ganun ang natural reaction ng tao na indifferent sa isang tao na hindi kilala yun artista….Pero kayong mga walang magawa sa buhay kundi mag comment ng mga masasama tungkol kay Marian…obsession na yan. You say ayaw ninyo sa kanya, pero palagi naman kayo updated tungkol sa kanya….Mga rumor mongers lang kayo. Sala sa init, sala sa lamig….Napaka innocent na bigyan ni Marian si Bea ng gift, binibig deal ninyo. Para bang bago lang sa inyo ang may magbigay ng maliit na regalo dahil natuwa yun ibang tao….Baka kasi walang gumagawa sa iyo ng ganun. Masama kasi ugali mo. Or baka naman wala ka kasi kwenta. Besides….hindi naman pinangangalandakan ni Marian yun…si Bea yun nag post sa Instagram…si Bea yun nag-big deal noon. Siya yun gumagawa ng kwento para mapansin siya…. Eh…hindi naman kailangan ni Marian ng press release pa. Pero kayong mga makikitid ang utak, bibigyan ninyo ng masamang kahulugan yun. Pathetic.

Leave a Reply

Your email address will not be published.