Bea Alonzo At Dingdong Dantes, ‘di bagay i-link sa isa’t isa

KUNG WALANG Zanjoe Marudo si Bea Alonzo at si Dingdong naman ay hindi karelasyon ni Marian Rivera, maganda sana na ang dalawa ay maging magkarelasyon.

Sa trailer ng pelikulang She’s the One ng Star Cinema, kitang-kita ang chemistry ng dalawa. Ang  mga hitsura nila, maganda at pleasant tingnan.

Bagay sila sa wide screen. May kiliti tulad ng mga naunang pelikula noon nina Bea at John Lloyd Cruz na nagpatibay ng kani-kanilang mga individual showbiz careers bilang dalawa sa mga box-office stars ng kanilang panahon.

Ngayon na kahit sino ay puwedeng ipareha sina Bea at John Llyod sa iba na hindi problema ang box-office result nito, ang tambalang Bea at Dingdong, sa unang pagkakataon ay for sure, patok sa lahat ng mga in love, gustong ma-in love at nai-in love.

Sabi nga ni Bea, total package ang kaparehang aktor. Guwapo at. Mabait. Masuwerte si Marian.

Sa estado ng dalawa parang off at hindi na bagay na i-link sila sa mga kapareha nila sa pelikula. Hindi na kakagatin ng publiko ang gimik lalo pa’t ang magandang obra ni Direk Mae Cruz ay sapat na para kiligin ka sa pagsasama nina Bea at Dong sa wide screen.

Tulad ng pahayag ng aktor na ang girlfriend niyang si Marian ‘she’s the one’ sa buhay niya at kung hindi masisilat at magkaaberya ay malamang ito na ang babeng pakakasalan niya.

Same as Bea with Zanjoe na happy and contented na rin ang aktres na ang current boyfriend niya malamang sa hindi ang lalaking maghahatid sa kanya sa altar.

Compatible kasi naman sina Bea at Zanjoe. During their free time, sabay silang nagwo-work-out at nagta-Thai Boxing or Muay Thai.

Sa kaso nina Dingdong at Marian, kasal na nga rin lang  yata ang kulang para masabing “sila” na nga talaga at wala nang hitches sa pagmamahalan nila.

 

IMPROMPTU DINNER ‘yun at halos lahat ay mga organic foods na inihanda ng kayang sister in-law na si Mariel Rodriguez sa haybols nila ni Robin Padilla one evening. Last Saturday ‘yun.

Sort of a welcome dinner sa pagbabalik niya galing Thailand kung saan nag-aral ng Anti-Gravity Yoga si BB Gandanghari.

Tawag nga ni BB sa gabing ‘yun ay ‘Chillax + 3D’ dahil it was a fun evening in the company of his brother Robin na tila tanggap na tanggap na siya kung ano man siya ngayon.

Happy to learn from BB’s e-mail sa amin na nagja-jive na sila ni Binoe.

Hindi na isyu ang kanyang pagka-mujerista at naintindihan na ng bruskong kapatid ang kanyang gusto at kung anong buhay meron siya ngayon.

Sa katunayan, may plano na magsama sina Robin at BB sa isang pelikula sa susunod na project ng action star.

Maging ang kapatid na si Royette, nainggit sa dinner na ihinanda ni Mariel dahil maging siya ay wala rin sa biglaang hapunan na pinagsaluhan nila.

 

MABUTI NA lang at kusa na nag-back-out si Sen Bong Revilla sa pelikula na supposed to be ay gagawin niya para sa Iglesia ni Cristo, ang Sugo na ididirek ni Tikoy Aguiluz at sinulat ng batikang journalist na si Arlyn dela Cruz.

Dahil sa pagkasabit ng pangalan ni Sen. Bong sa Pork Barrel Scam at sa pangalan ni Janet Napoles, aminin man natin o hindi ay bad image ito a sa reputasyon sa relihyong INC na ma-involve si Sen. Bong sa kanila, lalo pa’t napakahigpit ng rules ng kanilang simbahan at sa Iglesia ni Cristo members lalo’t napaka-konserbatibo nila at may pagka-purist sila.

Sayang ang project na magdadala sana kay Sen. Bong to a higher level of popularity para sa mga INC na milyun-milyon ang nanampalataya, lalo pa’t pangarap ni Sen. Bong na tumakbo sa pagka-Presidente sa 2016 na ngayon ay naglaho na parang bula dahil sa iskandalo.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

10 thoughts on “Bea Alonzo At Dingdong Dantes, ‘di bagay i-link sa isa’t isa

  1. kayo na ayaw kay Bea at Dingdong at madaming negative na comment sa dalawa tumigil na. wala kayo makitang maganda sa ibang mga tao.
    Fans kayo nino? yan siguro ang ugali ng mga idols nyo na pintasero din.

Leave a Reply

Your email address will not be published.