Bea Alonzo’s ex-boyfriends’ fate may happen to Zanjoe Marudo

ARTISTA AT PRODYUSER din si Vic Sotto na talagang masasabing isa na rin sa mayayamang artista ngayon sa showbiz, dahil hindi naman siya nalalaos. Ang katunayan niyan ay laging patok ang kanyang mga pelikula, lalo na ‘yung mga isinasali niya tuwing magdaraos ng Metro Manila Film Festival-Philippines kapag December. Ilang ulit na rin siyang tinanghal na Box-Office King. Pero sa pagdadala ng personalidad ay napaka-simple niya. Walang angas, walang yabang.  Noon ngang presscon ng pelikulang Pak! Pak! My Dr. Kwak! ng Star Cinema at M-Zet Productions, dumating si Bossing na ang suot na pantalon ay medyo luma at may butas-butas pa, na istayl baga.

Simple lang din si Vic magdala ng pagiging milyonaryo niya. Parang wala lang, pero alam mong meron. Kaya nga, ‘yung kasimplehan niyang iyon ang minahal sa kanya ng maraming babaeng nagmahal sa kanya, na siyempre pa’y hindi na mabilang ng showbiz, dahil mahaba na ang listahan ng kanyang mga minahal. Napaka-totoong tao ni Bossing, kaya nga mahal siya ng masa na ilang dekada nang hindi bumibitiw sa panonood ng Eat Bulaga nila ni Tito Sotto at Joey de Leon.

Ang maganda at simpleng pagdadala ni Vic ng kanyang personalidad ay namana ng kanyang mga anak na sina Danica Sotto at Oyo Sotto. Mababait na anak sina Danica at Oyo. Nakuha nila kay Vic ‘yung pakikisalamuha sa mga tao, na hindi nagmamaliit at hindi rin nila ipinararamdam sa mga tao sa kanilang paligid na: “Hoy, anak kami nina Dina Bonnevie at Vic Sotto, ‘noh!” Ibig lang sabihin, maganda ang pagpapalaki sa kanilang magkapatid.

Dahil komedyante, mapagbiro raw si Vic. Pero minsan, tahimik na parang napakalalim. Kuwento sa akin ni Ruby Rodriguez, kapag daw si Vic ang producer mo ay para kang nakasandal sa pader. Napakabait daw ng komedyante, at kapag daw medyo wala ka nang datung, masarap daw maglambing kay Vic para maka-bale ng pera, dahil nagbibigay kaagad.

LANTARAN NA NGA ang relasyon nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. Naispatan sila sa airport na magkasabay dumating at siyempre pa’y magkasama na nga para sa pag-alis ng grupo ng Kapamilya stars na magkakaroon na naman ng show sa ibang bansa, ang Star Magic World Tour. Nakatutuwang pagmasdan sina Bea at Zanjoe na magkasama, dahil sa mga kilos nila ay mahahalata mo talaga kung ano ‘yung saya ng isang relasyon na nagsisimula pa lamang.

Napapasaya naman talaga ni Zanjoe si Bea, dahil nahahalata naman iyon sa hitsura ngayon ng magandang young actress, dahil fresh ang dating ng kanyang byuti. Sobrang naggo-glow rin naman ang mga mata ni Zanjoe kapag binanggit mo sa kanya ang pangalan ni Bea. Pareho naman nilang kailangan na maging masaya at maligaya, dahil nanggaling sila sa dalawang sumemplang na relasyon. Ang matangkad na actor ay nakahiwalayan si Mariel Rodriguez, at buwan pa lang ang lumipas na panahon ng hiwalayan ay nagpakasal na ang magandang TV host kay Robin Padilla. Ang original na ka-loveteam naman ni John Lloyd Cruz ay naunsiyami ang relasyon kay Gerald Anderson.

Naku, teka lang… Huwag naman tayong maging morbida. Pero sana lang, sa pagbabalik nina Bea at Zanjoe rito sa Pilipinas ay mag-jowa pa rin sana sila na sweet-sweetan, huh! Ano kayo? Pansin n’yo ba o nagkakataon lang, na minamalas si Bea sa kanyang lovelife kapag nagso-show ang Kapamilya stars sa ibang bansa. Nu’ng maging sweet sila ni Jake Cuenca, nag-away sila noon ni Roxanne Guinoo, at pagbalik ng ‘Pinas, parang ‘di na magkakilala sina Bea at Jake.  Nag-show rin sila sa ibang bansa nu’ng sweet pa sina Bea at Gerald, ‘di ba? Pagbalik ng ‘Pinas, wala na rin at hiwalayan na. Ngayong ang kasama ni Bea ay si Zanjoe, pagbalik nila, wala naman sanang kanegahan na mangyari.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

4 thoughts on “Bea Alonzo’s ex-boyfriends’ fate may happen to Zanjoe Marudo

  1. ok naman si zanjoe for bea kasi magiging tahimik ang relasyon nila…kung may ayaw man sa kanila bilang mag-bf/gf eh hindi masyado nangangalampag…hindi tulad nung bea-jake na may issue to the point na parang strangers na sila sa isat-isa…then last year naman ung bea-gerald issue na sobrang pinag-usapan…besides hindi naman inamin agad ni gerald si bea kaya parang lalong gumulo…at least kay zanjoe eh sa simula pa lang alam na sinusuyo niya si bea…hope they’ll have the happiness na deserve nila… :)

  2. I also like vic sotto :) and crush ko din si oyo :) nakakatuwa naman na may mga mayayaman na gaya ni vic na maayos makisama at walang kayabangan sa katawan..
    Sana nga maging happy na si bea at zanjoe..

  3. walang nag comment dito?? vakeeeeet??? ibig sabihin ba nito hindi interesado ang mga tao sa kanila?? akala ko ba sikat si Bea at lalo na ang jowa nyang kapre hahahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.