Be Careful With My Heart, ‘di maawat sa mataas na ratings
Jodi Sta. Maria at Richard Yap, patok ang tambalan!

PATOK ANG tambalang Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa bagong daytime television drama ng ABS-CBN, ang Be Careful With My Heart. Sino ang mag-aakalang magki-click sa mga viewer ang kanilang tandem at maihahanay na sa mga kinakikiligang tambalan ngayon tulad nina Gino at Mikay (Princess and I), Daniel at Katerina (Walang Hanggan), Paul at Sarah (Kung Ako’y Iiwan Mo), at Angelito at Rosalie (Angelito: Batang Ama)?

Sabi ko nga, may mga artista kasing nakakakilig panoorin onscreen because they look good together and they have great chemistry. At isa na rito sina Jodi at Richard.

Ang Be Careful With My Heart ay kuwento ni Maya dela Rosa (Jodi) na gagawin ang lahat matupad lamang ang pangarap niyang maging isang flight stewardess. Nakita niya kay Richard Lim (Richard) ang pag-asa dahil sa koneksyon nito sa airline industry. Pero bago siya tulungan ni Richard ay kailangan muna niyang pumayag na pansamantalang ma-ging yaya sa tatlo nitong anak. What happens if she eventually falls in love with the kids and Richard himself?

Be Careful With My Heart is changing the public’s daytime viewing habit. Consistent sa pagiging top-rating ang series. Since it was first aired on ABS-CBN, hindi na maawat ang ang patuloy na pagtaas ng ratings nito. This was a rare feat for a daytime show. Bukod pa rito ay mataas din ang number of views ng mga episodes nito sa IWANTTV sa internet.

Ang nakakatuwa pa ay maging ang ibang celebrities ay sumusubaybay rin sa Be Careful With My Heart tulad ni Kim Chiu. “Kasi magaan iyong feeling. [It’s] so refreshing to watch Jodi and Papa Chen na magkasama. New tandem. Light siya for [a] noontime drama,” paliwanag ni Kim. Incidentally, Kim played Richard’s daughter in My Binondo Girl kung saan unang kinakiligan si Papa Chen.

Samantala, batikan na si Jodi sa larangan ng pag-arte. We have seen her in several shows tulad ng Tabing Ilog, Pangako Sa ‘Yo, Darating ang Umaga, Walang Kapalit, Ligaw na Bulaklak, at Noah.  

Abot hanggang langit ang pasasalamat nina Jodi at Richard sa mga walang sawang tumatangkilik sa Be Careful With My Heart at patuloy lang daw silang kumapit dahil marami pang magagandang mangyayari sa mga darating na episodes.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

8 thoughts on “Be Careful With My Heart, ‘di maawat sa mataas na ratings
Jodi Sta. Maria at Richard Yap, patok ang tambalan!

  1. Calling the attention of ABS-CBN executive, maybe you can make replay of this tv soap “Be Careful With My Heart” in the evening, for the benefit of the private and government office workers. Thanks in advance, More power to your station.

  2. NAKU MAGWAWALA NA NMAN YUNG KABET NA C TIWA MOTO NYAN SA SOBRANG INGGIT K JODIE STA.MARIA-LACSON. ANG ORIG AT LEGAL WIFE NI PAMPI LACSON. BWAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

  3. luv 8 ko tlga ang @ be careful with my heart …….buti na bago  ako papasok sa wrk ay napapa nuod ko muna ito….at nawawala ng home sick ko …….my  napupulot kang aral sa teleselya .. good luck na lng  jodi at papa chen

  4. Yes,yes, yes, agree agree agree, ang ganda talaga ng be careful with my heart. Ano na lang kaya ang masasabi ni Iwa ngayon na maski anong pilit niyang siniraan si Jodie, yan tuloy sumikat ang show nito . God is good. Silence and deadma attitude ang napakagaling na ginawa ni Jodie against Iwa. Kung lalabas kasi ang babae sa national tv at ang mga pananalita nito ay butangera, eskandalosa, maldita, at nang-aaway dahil sa isa lang lalaki, ang kalabasan kasi naging cheap. Iyan ang nangyayari kay Iwa, karamihan sa mga awayan ng babaeng ito ay dahil sa mga lalaki. WAla na ba itong magawa sa buhay kungdi maging yaya sa mga anak ng mga nakarelasyon nito?

Leave a Reply

Your email address will not be published.