Bb. Pilipinas Universe Maxine Medina, naging lucky charm ang regalong bracelet ni Marlo Mortel

Maxine Medina and Marlo Mortel

Maxine Medina and Marlo Mortel

Isa sa naging masaya sa pagkakapanalo ni Maxine Medina sa katatapos na Bb. Pilipinas 2016, kung saan nasungkit nito ang Bb. Pilipinas Universe crown ay ang actor/ host / businessman na si Marlo Mortel.
Noong gabi pala na sumali sa Bb. Pilipinas ay suot ni Maxine ang Ornstal bracelet na siya mismo ang pumili na nagsilbing lucky charm ni Maxine Medina.
Kuwento nga ni Marlo, “Masaya ako na nanalo si Maxine Medina. During her road to Binibining Pilipinas, suot-suot niya ‘yung mga Ornstal ko for good luck.
“Siya mismo ang namili ng tatlong Ornstal na suot niya lagi, kasi sakto raw ‘yung meaning ng mga bracelet sa journey niya sa pag-reach ng goals niya.
“Tapos ayun, siya ang nanalo. Kaya proud ako, kasi suot niya ‘yung mga bigay ko, at ‘di ako nagkamali. Una palang nakita ko siya, alam ko na sobrang na-catch niya ang attention ko, dahil sobrang nagagandahan ako sa kanya.
“Kaya I took the chance to approach her and give her Ornstal bracelets for good luck, and sa kanya mismo nanggaling na sobrang love niya ‘yung mga bracelet! Pinost niya rin mismo sa Instagram niya kailan lang how much she loves them.
“First time kong mag-approach ng isang Binibini contestant and I’m very happy. At kung papayag din siya, I’ll make a line of Ornstal bracelets inspired by her.
“‘Eto po ‘yung tatlong kinuha niya: red coral, a stone of passion that attracts love and brings inner peace, strength, and understanding of purpose; tiger’s eye, a stone of protection that enhances will power, integrity and self-confidence. It can also bring prosperity in the form of money; and larvikite, a stone that teaches patience and helps you reach your goal, and can also help you be better when it comes to decision-making,” pagtatapos ni Marlo Mortel.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.