Bb. Pilipinas organizer, palpak!

OLA CHIKKA! UMIINIT na naman ang aking ulo rito sa mga kapalpakan ng sistema ng ating bansa. Isa na rito ang pamamalakad sa pageant ng Bb. Pilipinas. Dapat palitan na ang mga organizer ng pageant na iyan dahil may mga nakakasaling hindi naman pala qualified, tapos kapag nagwagi na ay ide-dethrone.

Hindi ba nila alam kung gaano kalaking kahihiyan ang ipinagsasawalang-bahala nila?! Kung sila kaya ang makaramdam ng sobrang kaligayahan at sa isang iglap ay mawala dahil sa kasalanan na hindi naman siya ang gumawa? Pagkukulang na iyan ng mga organizer na dapat ay sinisiguro nilang walang anomalya ang mga contestants nila.

May mga balita pa na aabutin pa ng siyam-siyam bago makuha ng winner ang kanilang prize dahil ang tanging naiuuwi nila ay ang korona nila. Eh, anong gagawin nila sa korona?!

Hindi ba nila naiisip na hindi lang basta kagandahan ang ipinaglalaban sa beauty pageant lalo na ang Bb. Pilipnas dahil sila ang nagrerepresenta ng ating bansa lalo na at kapag lumaban na sila sa Ms. Universe. Hindi nila gayahin ang ibang mga bansa na mula pagkabata ay hinuhubog na nila kapag may nakita silang potential. Ganyan din dapat dito sa Pilipinas.

Hindi dapat balewalain ang isang beauty pageant, hindi nila dapat itulad sa showbizness na kapag laos ka na, wala ka nang dating. Oras na siguro para palitan ‘yang mga organizer nila dahil siguro sa sobrang tanda na ay lumalabo na ang mga mata at hindi na nakikita ang mga bagay na dapat bigyang importansiya! Naku, huh! Hindi dapat ganyan!

SA KABILANG BANDA ay dumako naman tayo rito sa Halalan 2010. Hanggang ngayon ay hindi pa rin natitigil ang balitang nilaglag na raw umano ng kampo ni Mike Defensor itong si Aiko Melendez. Pinabulaanan naman ng campaign manager at chief legal counsel ni Mike Defensor na si Atty. Vic Rodriguez ang isyung iyon.

Ayon kay Atty. Rodriguez, bilang campaign manager ni Mike ay may karapatan siyang magsalita at protektahan ang lahat ng kandidatong nasa kanilang partido at pinatunayan na walang katotohanan ang pagbabasura nila kay Aiko. Malamang daw ay pakana lamang ito ng kanilang kalaban upang buwagin ang kanilang samahan. Kaya ano mang intriga ang ibinabato kay Aiko, paniguradong paraan lamang nila ito para pabagsakin siya.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong dating basketball player na talaga namang napakahusay sa paglalaro dahil maging sa totoong buhay ay ginagamit ang pagkabasketbolista! Bhuket?!

Napadpad kasi sa south ang aking parazzi girl at doon ay nakita niyang mala-happy family ang drama nila ngunit tanong n’yo kung ano ang kakaiba? Dahil happy family nga sila ngunit hindi naman niya ito tunay na anak. At itanong n’yo kung kanino? Ang totoong ama nito ay walang iba kundi ang napaka-yummy na hunk actor na sobrang puti na puwede sa drama at puwede rin sa comedy.

Ang taray naman nitong basketball player kung may award na best rebounder sa totoong buhay, tiyak winner na siya! Ha-ha! Sino itong dating basketball player?! Naku, ‘wag nang mag-clue dahil talagang given na! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

10 thoughts on “Bb. Pilipinas organizer, palpak!

  1. WAWA SI LANE/LOVE IT….BAKA MAGPATIWAKAL AT MABALIW HIHIHIHIHI LAMANG SI NONOY ABNOY HIHIHIHI SARAP MAN ASAR HIHIHIHI

  2. ANG SABI NI NOYNOY ABNOY:

    ANG SABI NI NOYNOY ABNOY… kawawa ang mga katutubo na inagawan ng lupa ni Villar. Pero mas kawawa ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita HINDI LANG INAGAWAN NG LUPAIN PINAGPAPATAY PA. Matagal na dapat ibinigay ng mga Cojuangco ang share sa mga magsasaka dahil ipinabor sa kanila yong Hacienda ni President Magsaysay at pinautang pa sila ng GSIS at Central Bank para ipambayad dito sa kasunduang pagkatapos ng sampung taon ay ipapamahagi na sa mga magsasaka para magkakaroon sila ng sariling lupain. Anong nangyari? Mahigit ng 50 years nasa kanila pa rin. Binilog lang ni Santa Cory ang ulo ng mga magsasaka. Ginawa at pinagtibay nya ang CARP noong 1986 pero siya rin ang unang sumuway sa batas niya. Haaay, Santa Cory. Ginawa ni Santa Cory ang Stock Distribution Option(SDO) yon bang papartihan sila sa kita ng Hacienda para lang makaiwas si Santa Cory na ipamahagi ang lupa. Pero nung binayaran ang mga Cojuangco ng gobyerno sa SCTex na inoberprice pa nila, dinaya pa sa hatian ang mga magsasaka.
    MANLOLOKO AT MGA SAKIM TALAGA KAYONG MGA AQUINO-COJUANCO

    ANG SABI NI NOYNOY ABNOY… lalabanan ko ang corruption. Pero hindi nya maipaliwanag ang pagnenegosyo nya noong 26 years old palang sya at kauupo lang ng Nanay nya bilang pangulo. Nagtayo siya ng Best Security Agency BSA (Benigno S Aquino) ang pangalan kasama ang kamag-anak nyang Aquino, na kumotrata sa ibat-ibang sangay ng gobyerno sa harap mismo ng ilong ng Nanay nya. Sa Arlegui ang address na tirahan ng nanay nya ang Pangulo ng Pilipinas. Ang batas natin ay nagsasabi na bawal pumasok sa anumang negosyo sa gobyerno ang isang opisyal o mga kamag-anak ng opisyal. Kinunsinti ito ng nanay nya. Kung iba yon naparusahan na. IPOKRITO SI NOYNOY ABNOY AT SI SANTA CORY

    ANG SABI NI NOYNOY ABNOY…na mga kakampi daw ni Villar ang mga criminal na Ampatuans. Yon pala mga kakampi nya dahil si Santa Cory pala ang nag lagay kay Ampatuan Sr. bilang OIC noong kauupo lang ni Santa Cory. Saan na lang pupunta ang utang na loob ng mga Ampatuan. Buti nalang binuking ni Ampatuan Jr. HAAAY SANTA CORY.

    SABI NI NOYNOY ABNOY… sa isang interbyu, ibibigay na niya ang share ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita pag nanalo siya. Pero sinabi ng pinsan nyang Cojuangco na walang balak ang mga Cojuangco na ipamahagi ang lupa. Sabi ni Noynoy hindi naman daw nya sinabi yon (nagsinungaling). Ang sabi naman ng nag interbyu gusto mo iparinig ko sa yo ang tape. Tumahimik. SINUNGALING SI NOYNOY ABNOY

    ANG SABI NI NOYNOY ABNOY… sa talumpati nya na hindi nya itataas ng tax. Pero nung ininterview ulit ilang araw lang ang nakakaraan ng tanungin sya kung kinakailangan BANG magtaas ng tax itataas ba niya? Ang sagot ni Abnoy, syempre. BUMALIGTAD AGAD SI NOYNOY ABNOY. ABNOY NGA KASI WALANG ISANG SALITA

    ANG SABI NI NOYNOY ABNOY… pag nanalo siya hindi nya igagalang ang sinumang Huwes na appointed ni President Arroyo. ANONG TINGIN NIYA SA SARILI DICTADOR? PAREHO LANG ANG KAPANGYARIHAN NG EXECUTIVE AT JUDICIAL BRANCH. YAN BA ANG KLASE NG MAGIGING LIDER NA NAGPAPAKITA NA AGAD PAGLABAG SA BATAS.

    KAWAWA ANG SAMBAYANANG PILIPINAS PAG SI NOYNOY ANG NAHALAL. NAGMAMALINIS EH SAKSAKAN PALA NG BULOK ANG PAGKATAO.

  3. BUTI HINDI PA NAPAPASOK ITONG COLUMN NI TITA SWARDING NG NAPAKAHABANG FLOODING AT POLITICAL AD NI LANE.CALLING PINOY PARAZI MARAMING AYAW NG PUMASOK SA WEBSITE NINYO DAHIL SA HINDI NINYO MAKONTROL ANG FLOODING NI LANE.KAKAWALANG GANA.

    • PAANONG MARAMING AYAW PUMASOK EH NAPAKARAMI PA RIN ANG NAG POPOST.

      maybe true na ayaw pumasok ng mga yellow fever kasi nga takot sila na ma dissinpectant mga virus kasi. gustong manghawa kaso hindi kaya ng kanilang utak dahil iisa ang paniwala.

  4. TITA SWARDING BALANG ARAW PAGTATAWANAN MO ANG MGA TAONG NAGAGALIT SA IYO DAHIL SA SINULAT MO KAY MARIAN.KASI PAG LAOS NA IYAN SI MARIAN AT DI NA PINAPANSIN NG PUBLIKO LALANTAD DIN IYAN AT ILALANTAD ANG ANAK NIYA.PARA PAG USAPAN ULIT SIYA.MALALAOS ANG HITAD MASYADONG MAYABANG E AT WALANG TALENT

  5. TAMA KA JAN TITA SWARDING SA GAGANDA NG MGA PINAY DAPAT NADAIG NA NATIN ANG VALENZUELA AT PUERTO RICO.KASO PALPAK AT MGA MATAPOBRE ANG ORGANIZERS.MAS PINAPANALO YUNG MGA WALANG K NA KANDIDATO PERO MAY PERA AT KUNEKSYON PERO MGA MUKHANG TALUNAN.

Leave a Reply

Your email address will not be published.