BB Gandanghari, still a virgin?

“PATAY NA SI Rustom, hahaha! Ganoon lang kasimple, Rustom is dead! Nagtutumiling bungad ni BB Gandanghari. “End of the year na namin gagawin ang ‘BB Gandanghari’ that’s for sure. I’m preparing for this, it’s a one-woman show, kapag napanood mo ‘yung show makikilala mo si BB na mas malalim,” dugtong pa niya.

“’Yung name na BB Gandanghari, ito na ba ang magiging screen name niya? “Yes, BB is here to stay, BB is alive and kicking!”

Okey lang ba kay BB kung may love scene? “Oo naman, I’m very regal. It really depends on the project, kailangang very realistic ‘yung role.

Very realistic ‘yung character, ‘yung mga nakikita ko sa totoong buhay. Parang life imitates art, ‘yung mga ganoon ang gusto kong gawin sa pelikula.”

May limitation ba naman si BB pagdating sa bed scene? “Wala lang breast exposure, private exposure. Hindi puwede ‘yun.”

Unti-unti na bang nade-develop ang susong dalaga ni BB Gandanghari? “Parang tumutubo pa lang, pinagdadaanan ko ‘yung pinagdadaanan talaga ng babae. But kidding aside, basta I feel, whatever personal or private part ko, is very private. At kung ano ‘yung nararamdaman ng babae, kung papaano niya pinangangalagaan ‘yung private parts niya, ganoon din ‘yung sa akin.”

Na-experience na kaya ni BB na makipag-boyfriend or makipag-sex ? “Wala pa, bata pa si Isabel! Ibig sabihin, I’m not kidding, when I say, BB is very regal, pinagdadaanan ko. Kailangan lang lumabas si BB, ‘di ba? So, pinagdadaanan ko ‘yung proseso na para akong nagdadalaga. BB is still a virgin! Yes, ready today! Maraming nanliligaw sa Amerika, pero dito yata wala pa.

“Tumitingin ka ba a look ng isang lalaki? “Siyempre, hindi lang sa look, whole package talaga na iba ang dating. Lahat naman tayo ‘yung dating ang hinahanap natin, babae man siya o lalaki. Gusto ko someone who can inspire me na mayroong passion sa buhay and someone who can make me beautiful.”

Nangangarap ba si BB na makasal at anong klaseng kasal ito? “Oo naman, nangangarap ako. Hindi naman ganoon ka-engrande, pero ‘yung essence ng wedding at ‘yung marriage na gusto kong maganap sa akin, beach wedding. Sunset wedding ang dream wedding ko talaga!”

May mga nagsasabing late na raw ang paglabas ni BB sa closet bilang babae? “Never to late because everything comes at the right time, hindi ako naniniwala. Diyos ko! Ma-imagine mong ganito ang hitsura ko noong araw, hindi naman ganito ang katawan ko. Kaya naman nagkaganito, dumaan tayo sa proseso. Hindi naman ako darating sa puntong ito kung hindi ko pinagdaanan ‘yung pinagdaanan natin noong araw so, never to late.”

Wala bang plano si BB na magpa-sex change? “Hindi ko pa pinag-iisipan. As of now, I’m very comfortable. Ang dami ko pa ring iniisip. Malaki kasing desisyon, at kailangang pag-isipang mabuti. Iniisip ko pa lang, ang dami nang pag-aaralan, mahabang proseso at hindi ganoon kadali para gawin agad ‘yun. As of now, hindi ko pa naman nakikita na kailangan. I’m very comfortable for what I am right now.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.