BB Gandanghari, pinagbawalan ni Robin Padilla na mag-Sagala!

CONGRATULATIONS KAY JAYA dahil sa safe na pagluwal nito ng pangalawang anak nila ng non-showbiz niyang asawang si Gary Gotidoc.

Nu’ng nag-i-Startalk kami nu’ng nakaraang Sabado, nakausap pa namin ang manager ni Jaya na si Maristel Sampedro at kasalukuyang nagle-labor pa raw nu’n ang Queen of Soul.

Pagkatapos lang ng Startalk, iniluwal na niya nang normal ang pangalawang anak nila, isang malusog na baby boy na may timbang na 8.2 lbs. Ang name daw ng baby ay Dylan at meron na yata silang listahan ng mga ninong at ninang, pero hindi pa nila pinag-usapan sa ngayon.

Medyo matagal-tagal ding nag-labor si Jaya kaya pinagpahinga pa ito nang husto. Happy na ang mag-asawa dahil kumpleto na sila, girl ang panganay nila at baby boy naman itong bunso. Personal nilang inaalagaan ang kanilang anak, kaya kung si Jaya ang masusunod, okay na sa kanila ang dalawang anak.

Ang isang tuwang-tuwa siyempre ay ang lola na si Elizabeth Ramsey, pero takot na takot daw itong humawak sa bagong panganak na sanggol kaya hanggang tingin lang muna siya.

Medyo matagal-tagal ding magpahinga si Jaya bago ito makabalik sa SOP at All Star K, dahil personal nitong aalagaan ang kanyang anak.

NAIKUWENTO NI ROBIN Padilla sa taping ng Totoy Bato na finally, nagkita na rin sila ni BB Gandanghari.

Nang nakausap ito ng Startalk, hindi na BB ang tawag ni Robin sa kapatid niya kundi Rustom pa rin, pero naninibago lang daw siya ngayon dahil ibang-iba na ito kumpara nu’ng huli niya itong nakita. Medyo malumanay na raw magsalita at pati sa pag-upo, mahinhin na parang isang dalaga na talaga. Pero sabi nga ni Robin, okay na raw ‘yun kesa sa mamatay-tao, kaya mahal na mahal pa rin nila ang kanilang kapatid.

Hindi lang daw masaya ang pagkikita nila dahil nagkasama-sama silang magkakapatid sa burol ng namatay nilang pamangkin. Sobrang dinamdam daw nila ang pagkamatay ng kanilang pamangkin na anak ng kapatid nilang si Roda dahil walong taon pa lang pala ito. Paboritong pamangkin daw ito ni BB, kaya gabi-gabi siya roon sa burol kaya nagkikita sila doon ni Robin. Hindi nga lang daw sila nakapag-usap nang maayos dahil nagluluksa silang lahat.

“Basta kung saan masaya si Rustom, masaya na rin kami para sa kanya. Huwag na lang sana siya mag-Santacruzan uli, marami ang nag-react, eh,” natatawang pahayag ng aktor.

Ngayong linggo na magtatapos itong Totoy Bato ni Robin at magpapahinga raw muna siya sa pamilya niya sa Australia ng kahit isang buwan man lang para makapag-rejuvenate naman daw ito.

Ang susunod na gagawin ni Robin ay ang pelikulang ipu-produce ng Star Cinema Films, kung saan makakatambal niya si Bea Alonzo.

Excited nga ito dahil si Bea ang ka-partner niya. Mabuti na raw iyung inspired siya sa trabaho.

By Gorgy’s Park

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.