BB Gandanghari, now a real woman?

 

GINULAT NAMAN AKO ng e-mail sa aking inbox.

Dalawang pictorial ni BB Gandanghari raw ‘yun sa New York City, na ipinadala sa isang kasama sa panulat. Actually, maganda. In black and white.

Very seductive at revealing ang kanyang poses. Kaya ang papasok agad sa isip ng mga makakakita eh, kung  naging ‘ganap’ na ba ang kanyang pagka-‘babae’ o sumailalim na ba siya ng sex transplant.

Na siya namang isang bagay raw na ikasi-shock ng kanyang kapatid na si Robin Padilla sakaling mangyari o magkatotoo.

Tungkol nga sa bagay na ‘yun ang isa sa inusisa kay Binoe recently sa launch ng isa na naman niyang endorsement. Dahil marami ang naghahanap kay BB Gandanghari at nakaka-miss na sa pre-sence nito sa showbiz.

Noon pa naman, nasabi na ni Binoe na kay Mommy Eva lang nakikipag-communicate si BB. Nasabi tuloy ni Binoe na kailangan nang umuwi rito ni BB dahil may proyekto naman pala si Binoe para sa kanya, ang Kill BB. Eh, sa titulo pa lang, alam mong malamang na sundan nito ang pelikulang Kill Bill ni Uma Thurman. At naibuking na rin ni Binoe na fully-paid na si BB para sa nasabing proyekto.

Noon pa mang hindi pa lumalabas sa kloseta si BB, madalas na itong sa New York naglalagi. Dahil akma raw sa lifestyle niya ang nakagamayan nang ikot ng buhay niya roon.

Ang tanong eh, kung para saan ba ang ginawang pictorial ni BB roon sa New York City?

Kung para saan pa man ‘yun, ang mahalaga eh, ang nakikitang enjoyment kay BB bilang resulta ng nasabing pictorial. Na nagpapahiwatig lang kung gaano siyang kasaya nang salangan niya ito.

Hindi naman kaya test shots na ito for Kill BB?

 

ANG SINUMANG MAKARINIG sa kuwento ng proposal ni Hayden Kho kay Dra. Vicki Belo eh, sigurado namang kikiligin.

Sa kabila ng mga bulilyasong sumulpot, natuloy pa rin ito.

Very vocal naman ang anak ni Dra. Vicki sa nararamdaman niya for Hayden. Na maski naman ang kanyang ina eh, naiintindihan kung saan at ano ang pinanggagalingan. Pati na raw sa hindi naman nagko-komentong dalaga niyang si Cristalle.

Nakapagbitiw man ng matinding salita si Quark na he will have to kill Hayden if he hurts his Mom again, muli naman itong nilinaw ng nasabing direktor. Hindi naman daw kaila sa lahat kung ano ang pinagdaanan ng kanyang ina sa nasabing pangyayari. At kahit sinong anak, eh baka mas  masahol  pa  ang  naging reaksyon.

At para na nga raw sa katahimikan ng lahat, balita ring kay Hayden na nanggaling na magkakaroon sila ng pre-nuptial agreement ni Dra. Vicki na isinangguni na niya sa kanilang mga abogado. Para iwasan na lang din ang maraming ang tingin sa kanya eh, pera lang ng sikat na doktora ang habol niya.

 

HINDI MO MAIAALIS, ngayon pa lang, excited na ang mga Noranians sa pagbabalik ng kanilang idolo!

Dapat nga eh, itong linggong ito na ang muli niyang pagtapak sa bansa. At may naglabas pa ng diumano’y pa-despedida sa kanya sa Amerika para sa nasabing pag-uwi.

As of latest palitan namin ng text ni Bulilit, malamang na after August 8 pa siya makauwi kahit nauna na naming ibinalitang may tiket na siya pauwi.

Kailangan pa raw niyang dumalo sa Historic Filipino Town celebration na whole day affair.

Sa end naman dito, pinaplantsa nang mabuti ang script na hinihingi niya from Governor Jorge ‘ER’ Ejercito’s end. Konting tiis na lang sa paghihintay.

As for the said despedida, mukhang dumalo lang sa isang party ang ating idolo. Ayun na-despedida na!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

5 thoughts on “BB Gandanghari, now a real woman?

  1. yari siya kay bonoe kapag umuwi sya ng pinas..sinisira mo nag barako image niyo ha…tanggap na nga na bading..gusto pa magpsex-change..OA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.