BB Gandanghari, niregaluhan ng kotse ni Robin Padilla – Gorgy’s Park

PRINSESANG-PRINSESA ANG dating ni BB Gandanghari nang dumating ito sa Urian Awards kamakalawa lang sakay sa bago niyang Honda CRV na top of the line, Silvertone ang kulay.

Bigay pala sa kanya ni Robin Padilla iyun na bale birthday gift sa kanya kahit medyo late na.

Sobrang nasorpresa si BB dahil hindi raw niya akalaing bigyan siya ng ganu’n kabonggang kotse.

Napag-usapan lang daw nila minsan na gusto sana niyang bumili ng kotse at nabanggit nito kung ano ang tipo. Wala raw siyang  kamalay-malay na balak na palang bilhin iyun ng aktor para ibigay sa kanya.

Nasa Bahrain si Robin nang sinubukan naming kunan ng pahayag kaya ang manager nitong si Betchay Vidanes ang nakausap namin para tanungin tungkol sa bagong kotseng ibinigay kay BB.

Si Betchay pala ang nag-deliver ng kotseng iyun at paliwanag nito, bahagi raw iyun ng kabayaran sa pelikulang gagawin ni Robin kasama si BB.

Kung maayos ang lahat, baka gawin na raw ni Robin ang pelikula sa Star Cinema kung saan makakatambal nito si Toni Gonzaga at kasama nga dito si BB.

Nang tinanong namin si BB tungkol dito, hindi pa raw niya alam ang project na iyan. Pero kung ito na ngang pagsasamahan nila ni Robin, excited siya siyempre. Hinihintay na lang daw niyang kausapin siya ng kanyang kapatid tungkol sa project na ito.

Dagdag pang kuwento ni BB, nagkikita na raw silang magkakapatid at doon na raw niya naramdaman kung gaano na siya ka-welcome sa mga kapatid niya.

Naramdaman daw niya kung gaano siya kamahal ng mga kapatid niya lalo na si Robin, kaya parang bonus na lang daw iyan kotseng bigay sa kanya dahil ang pinakamahalaga ay tinanggap at minahal siya muli ng mga kapatid niya.

Coco Martin, wagi nanaman sa Gawad Urian

CONGRATULATIONS NGA PALA sa lahat na mga nagwagi sa Gawad Urian ng mga Manunuri na ginanap sa CCP Little Theater nu’ng nakaraang Sabado ng gabi.

Wagi ang pelikulang Serbis ni Direk Brillante Mendoza at bale pangalawang panalo na niya ito sa Urian na hindi naman nito natanggap ng personal.

Bukod sa pelikulang Serbis, Best Actor si Ronnie Lazaro ng pelikulang Yanggaw at si Mylene Dizon naman ang Best Actress sa 100.

Si Coco Martin ang Best Supporting Actor sa pelikulang Jay pero hindi rin nito nakuha ang award dahil nasa taping siya.

Ang baguhang aktres naman si Aleera Montalla ng Yanggaw ang Best Supporting Actress.

Pawang indie movies ang pinarangalan ng mga Manunuri dahil ito naman kasi ang matitinong panoorin sa ngayon.

By Gorgy’s Park

loading...

4 thoughts on “BB Gandanghari, niregaluhan ng kotse ni Robin Padilla – Gorgy’s Park

  1. kaya sa lahat ng mga alanganin dyan, umamin na ri kayo, tularan si BB, wag magtago at lalabas din ang tunay nyong anyo? diva? mama P?

  2. hay..coco..kailan kaya kita makikita in person?youre the next gabby concepcion,christopher de leon, cesar montano, lahat lahat na..mwahhh

Leave a Reply

Your email address will not be published.