BB Gandanghari, naghahanda na sa pagpapa-sex change!

DUMATING PALA galing Amerika si BB Gandanghari at meron daw itong pahayag tungkol sa balak niyang pagpapa-sex change.

Sabi nito, nasa proseso daw siya nang paghahanda psychologically dahil matagal daw ‘yan.

Ang alam ko, may series of meetings at check-up ka sa Psychiatrist mo o sa Psychologist. Kaya matagal ang paghahandang ‘yan.

Naisip ko naman, ‘di ba parang ang tanda na ni BB na magpa-sex change? Tinanggap naman siyang ganu’n na siya, okay na siguro ‘yun, ‘di ba?

Kaya nga meron pa rin daw silang gap ng kapatid niyang si Robin Padilla, dahil ilang beses sinasabi ng aktor na hindi pa patay si Rustom Padilla.

Sinasabi naman ni BB na matagal nang dead si Rustom kundi si BB na ngayon ang kaharap natin.

Naku! Eh, ‘di ba Rustom Padilla pa rin naman ang mga nasa papeles niya. I’m sure sa passport niya Rustom pa rin ang name. Pero ganu’n na raw ang ayos niya ngayon na nakita sa litrato sa passport niya.

Pero inaayos na rin daw ngayon ni BB ang mga papeles niya na ang Rustom Padilla ay palitan na ng Binibini Gandanghari. Naku! Ewan ko kung paano na ‘yan tanggapin ng pamilya niya.

Sabi naman ni BB, wala naman daw problema sa Mommy niya, dahil nakapag-uusap naman daw sila. Nagpaalam na nga raw siya sa Mommy niya bago siya nagbakasyon sa New York.

Alam na kaya ng Mommy niya na may dyowa na rin siyang naiwan sa Amerika. Inamin na rin kasi ito ni Bebe at nagpasalamat daw siya dahil tinanggap siyang ganu’n.

Kaya inspired ito at masaya. Ang ikinalulungkot lang daw niya ngayon, dahil magmula raw nang magkaroon sila ng gap ni Robin, wala na raw silang family reunions na madalas nilang ginagawa.

Sana raw mabalik na ‘yun at tanggapin na Padilla pa rin si BB Gandanghari.

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang kabuuan ng interview namin kay BB.

 

LALONG UMIINIT itong isyu ni Sarah Lahbati sa GMA 7, huh!

Pinapayuhan na raw itong tumigil na sa pagtu-tweet pero ewan ko lang kung ano na ang mangyayari dahil patuloy pa rin daw ang imbestigasyon ng GMA 7 sa mga kaganapanan.

Maraming pasabog na inilabas ni Sarah sa kanyang Twitter account kaya ewan ko kung maayos pa itong problema niya sa GMA 7.

Ang gusto lang daw niya ay i-release na siya sa GMA 7, dahil hindi na raw siya masaya sa pagtrabaho niya sa naturang network.

Siyempre nandiyan naman si Richard Gutierrez na all-out ang suporta sa kanya.

Ayaw nga raw ni Richard na magkomento pa sa pinagdaanan ngayon ni Sarah, pero nandiyan daw ang suporta niya siyempre.

Si Richard at Direk Peque Gallaga ang humarap sa presscon ng Seduction na pelikula nila ni Sarah. Hindi na yata talaga lalabas si Sarah para mag-promote. Inaayos na nito ang pag-uwi niya ng Switzerland at doon na raw muna siya mag-aaral.

Hindi lang natin alam kung babalik pa siya rito, kaya tingnan na lang natin.

Magulo pa ito at dahil sa mga pasabog ni Sarah, patuloy pa rin daw ang imbestigasyon dito ng GMA 7.

Sana nga maayos na ang kung ano mang mga isyung hinaharap ngayon ng GMA 7 at pati na rin itong problema kay Sarah.

Mga Mata ni Lolita

by Lolit Solis

loading...

One thought on “BB Gandanghari, naghahanda na sa pagpapa-sex change!

Leave a Reply

Your email address will not be published.