BB Gandanghari, matagal nang may pagnanasa kay Wendell Ramos?!

PINALAKPAKAN SI BB Gandang-hari sa bawat eksenang kinunan sa taping ng Untold Story ng TV5, kung saan ay bading na iniwan ng boyfriend ang kanyang role.

Ibang klaseng Rustom Padilla ang nakita namin. Wala na ang Rustom sa pagkatao ni BB, dahil ang nakita naming nagpaiyak sa amin ay si BB Gandanghari.

“My God! Hindi ko rin alam kung saan ako dapat ilagay, kung best actor ba o best actress sakaling mapansin nila ang acting ko,” tumatawang panimula iyon ni BB nang dalawin siya ng Pinoy Parazzi sa taping.

Posibleng makita ng mga critics ang husay sa acting ngayon ni BB. kaya maging ang co-star niyang si Baron Geisler ay napabilib din sa dating aktor.

“Iba si BB, iba siya rito. Nakasama ko na siya noon sa ibang projects, pero iba siya rito. Magugulat ka sa kakaibang transformation niya,” sabi ni Baron, na maging ang isa pang “lalaki” ni BB na si Wendell Ramos ay napabilib din.

Ayon kay Wendell hindi raw siya magdadalawang-isip kung may kissing scene or bed scene sila ni BB.

“Okey lang sa akin, kung si BB naman ang makakahalikan at makaka-bed scene ko, okey na okey sa akin ‘yan,” sabi ni Wendell.

Nagtitili naman si BB nang ikuwento namin sa kanya na willing si Wendell na makipaghalikan sa kanya at magkaroon sila ng bed scene.

“Talaga?! Sinabi niya ‘yun?! Ay, bongga! Okey sa akin!” At sinabayan ng halakhak ng aming kausap na feeling namin ay matagal nang may pagnanasa kay Wendell. Hahaha!

 

KINUMPIRMA SA amin ni Iza Calzado na almost 100 pounds pala ang natanggal sa kanyang katawan bago pa siya pumasok sa showbiz. Ayon sa aktres, grabeng diet daw at exercise ang kanyang ginawa bago niya nakuha ang kaseksihang nakikita natin ngayon sa kanya.

“My God! Sobrang taba ako nu’n, kaya ‘yang Biggest Loser na iyan, gustung-gusto ko ‘yan, dahil yan ang totoong kuwento ng aking buhay.”

Ayon pa rin kay Iza na kausap namin sa presscon ng Uniqlo, sinabi nitong enjoy siya sa pagsusuot ng mga damit nito dahil hindi na siya ngayon nahihirapang magdala ng anumang damit na gusto niyang isuot. Bukod kasi sa payat na siya, gusto pa raw niya ang stilo ng nasabing international brand.

Sa kabilang banda, sinabi pa rin ni Iza na walang katotohanan ang balitang pinagsisihan niya ang paglipat sa Channel 2. “No, hindi totoo ‘yan, dahil tinanggap naman nila ako at magaganda naman ang project na ibinigay sa akin. Masaya ako rito sa Dos, at siyempre hindi rin mawawala ang pagmamahal ko sa Channel 7,” pagwawakas ni Iza sa Pinoy Parazzi.

 

MULI NAMING nakausap si Derek Ramsay at wala raw siyang nakikitang masama sa ginawa niyang pag-amin na break na sila ni Angelica Panganiban, dahil nagpakatotoo lang daw siya sa ginawa niya.

Wala rin daw pakialam ang aktor kung maging negatibo siya sa paningin ng iba at sabihing ginagamit niya ang dating kasintahan para mapag-usapan, dahil una at higit sa lahat, hindi naman daw ganu’n ang kanyang pagkatao. Nagkataon lang daw na sinasabi niya kung ano ang nararamdaman niya at hindi siya sinungaling at plastik na tao.

“Hindi ako plastik. Kung anuman ang sinasabi ko, ‘yun ang totoo,” maikling sabi ng aktor sa Pinoy Parazzi.

Ayon pa kay Derek, excited na siya sa gagawing project sa TV5, dahil pagkatapos ng Olympics ay sisimulan na niya ang Amazing Race, kung saan ay ito raw ang pinapangarap niyang show.

“Sportsman ako at ito ang gusto kong show,” sabi uli ng binata sa kanyang pagtatapos.

 

More Luck
by Morly Alinio

loading...

10 thoughts on “BB Gandanghari, matagal nang may pagnanasa kay Wendell Ramos?!

  1. hindi ako mapang lait n tao pero d2 k bb gandang hari (daw) TALAGANG HINDI AKO MAGANDAHAN S KANYA s tamang salita HINDI CY MAGANDANG BAKLA toyut ang balat ny hindi tulad ng ibang bakla n kahit ako galit s bakla nagagandahan akong tignan pero itong c BB ayaw n ayaw kong tignan ito s tv. SAKA PANSIN K BB KAMUKHA CY NG DATI NYANG ASAWANG C CARMINA yong shape ng face nila parehong hapis magkamukha talaga cila. DAPAT K BB BUMALIK N LANG CY S DATI NYANG PAGKATAO yong rustom.

  2. Sportsman ka nga Derek at yan ang ginusto mo sa TV5, sana athletics na lang pinasok mong field. Eh sa frisbee nga, wala ka pang naiuwing tropeo o medalya. Lagi ka pa ngang napipilayan at nababaldado. So quit the crap of saying that’s the reason why you transferred to TV5. Admmit it, it’s the moolah and the sweet life offered by your dear MVP. Toink!

  3. KALUKA EXCTED ANG BRUHA SA BED SCENE HAHAHAHA. MY GOLLY KUNG NOON RUSTOM NA RUSTOM ANG PEG NG BRUHA NA YAN ASTIG MACHO AT SIGA HAHAHA NGAYON NAMAN ISA NA SIYANG HALIPAROT AT PAKANGKANG NA BAKLUSH

  4. korek teh.. maliit nga daw yang k wendell na yan.. sayang kung ano ng kinagwapo , kinakinis at kinalki ng katawan ay ganun nman daw ka dyutay yan.. sayang.. pero para saken d na ako choosy sa kanya,,,

  5. NAKU ATAT NAMAN ITONG SI BB NA MATSUKTSAKAN SI WENDELL EH PAANO BA YAN BALITA KO HINDI NAMAN DAW KALAKIHAN TEH, HEHE! HANAP KA IBANG DAKOTA

Leave a Reply

Your email address will not be published.