BB Gandanghari, mala-Paulo Avelino ang type maging ‘special friend’!

TOUCHED SI BB Gandanghari ng sabihin ng kapatid niyang is Robin Padilla sa anak na si ALi na tawagin siyang “Tita”.

Napaluha si BB habang nasa hospital bed siya nang marinig ang kapatid na kausap ang anak habang nakatalikod siya sa mag-ama na kuwento niya sa amin sa dressing room niya while waiting for her cue noong hapong ‘yun na guest siya sa The Buzz.

Parang tinik na nabunutan ang nangyaring pagbisita sa kanya ni Binoe at ng pamilya niya kamakailan.

BB thought na nag-iisa lang siya sa buhay. Kumbaga, parang iniwanan sa gitna ng laban niya na wala siyang kakampi. ‘Yun pala, all out ang supporta ng mga kapatid niya. Sa katunayan “Sister” na ang tawag ni Binoe sa kanya.

Pero ang mga kapatid na babae ni BB, mula nang maging BB siya ay “Sister” na ang tawagan nila.

Happy si BB resulta ng pagtitiyaga at paghihintay niya ng muling pagiging okey nila ng kapatid.

“Wala akong tampo kay Robin. Naiintindihan ko ang stwasyon niya na for several years, ako na kapatid niya na kasa-kasama niya at nakasanayan at bigla na lang naging si BB,” sabi niya sa amin.

Laugh to death si BB sa tsikahan namin. Nakasama ko rin kasi ang dating Rustom Padilla noon nang mag-personal appearance siya sa Cagayan de Oro City, kung saan nag-side trip pa kami at nag-swimming sa Tinago Falls sa Iligan City.

Now that BB is all out at masaya, pangarap niya ay tuluy-tuloy na ang feeling niyang ito kahit loveless pa rin siya and lives alone sa condo unit niya with a weekly cleaner na dumadalaw to clean her mess sa bahay at ang driver naman niya na stay-out.

Kaya nga roon sa gusto maging “special friend” si BB, buzz n’yo lang ako. Ang peg na hanap niya sa isang lalaki ay tulad nina Paulo Avelino at Paolo Roldan na ang say ng kapatid na BB: Lalaking lalaki.”

Last Sunday, after ng The Buzz guesting niya may dinner invitation si Robin at Mariel Rodriguez sa kanilang magkakapatid sa bagong haybols nina Robin at Mariel. “It’s the first time na magkikita kami ng sister-in-law ko after a while,” kuwento niya.

Career update on BB, after ng seryosong stage play niya na Halik ng Gagamba ay laugh trip naman at magluluka-lukahan silang dalawa ni John “Sweet “ Lapus sa live musical comedy show na Beauty and The Sweet na magaganap sa Music Museum on August 2 and 3 na produced ng kaibigan nila na si Pops Fernandez.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

4 thoughts on “BB Gandanghari, mala-Paulo Avelino ang type maging ‘special friend’!

  1. nyahahhahaha diba natikman na niya yang si Paulo, nyahahaha naka one-night stand nga niya yan, ng malaman ni deo e. galit na galit kay BB, napagalitan tuloy si Paulo, nyahahahah buti na lang nagkaayos na ang dalawang bakla, at hindi kumalat sa Showbiz ang awayan nila, kundi sabog,,,nyahahahhahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.