BB Gandanghari, habang tumatagal, nagiging kamukha na ni Carmina Villaroel!

KUNG ILANG beses na naghubad ang model/actor na si Jett Alcantara sa inabangang stage play na Halik ng Tarantula na pinalabas sa Teatrino Promenade Greenhills na pinagbibidahan ng kontrobersyal na si BB Gandanghari.

Wala ngang kiyeme si Jett na maghubo’t hubad sa nasabing stage play na ikinamangha ng marami. Kaya naman hindi naiwasang mapasigaw ang lahat nang masilayan ang magandang hubog ng katawan ni Jett.

Biro nga ng mga kapatid sa panulat, winner si BB Gandanghari, dahil kung ilang beses nga namang naghubad sa kanyang harapan ang model/actor. Isa nga ito sa magiging bentahe ng nasabing stage play, bukod pa sa mainit at sizzling na eksena ni Jett at BB.

Marami ang humanga sa husay umarte ni Jett gayun din kay BB na magaling din sa nasabing stage play. Bulung-bulungan nga ng mga kapatid sa panulat na habang tumatagal daw nilang tinititignan si BB ay nagiging kamukha raw ito ng kanyang ex-wife na si Carmina Villaroel. ‘Yun na!

 

MAPAPANOOD SA Sabado ng gabi sa Magpakailanman ang buhay ng isa sa prime artist ng GMA-7 na si Alden Richards at dito ipakikita kung ano ang pinagdaanan nito bago mag-artista.

Mula sa kanyang pagkabata hanggang sa pagsali niya sa Starstruck kung saan hindi siya pinalad na makapasok at sa kanyang audition sa Alakdana na siyang nagbukas ng pinto kay Alden para isakatuparan ang pangarap niya at ng kanyang yumaong ina para sa kanya na maging artista.

Tsika nga ni Alden nang makausap namin sa mismong taping ng kanyang Magpakailanman episode, maraming aral daw ang mapupulot ng mga manonood sa istorya ng kanyang buhay , especially sa mga kabataang nagnanais ding pasukin ang mundo ng pag-arte.

 

NAGING MATAGUMPAY ang pagsali ng Psalmstre New Placenta sa nagdaang Float Parade sa Panagbenga Festival kamakailan dahil sa pakikiisa ng kanilang bagong product endorser na si 2012 Miss Earth-Air Stephany Stefanowitz na sinamahan ni 2012 Manhunt International titleholder June Macasaet.

Ayon kay Mr. Jim Acosta ng Psalmstre, masiglang sinalubong ng napakaraming tao ang taunang parada na siyang ikinatuwa ng bawat grupo.

“Hindi namin akalain na mas maraming mga tao ang dumalo sa 2013 Panagbenga Festival kesa sa mga nagdaang mga taon. Maayos at mapayapa rin ang pagkaka-organize ng proyektong ito na siya naming ikinatuwa,” diin nito.

“Kaya’t nais naming pasalamatan ang Executive Chairman ng Panagbenga Festival na si Mr. Anthony de Leon sa tagumpay na tinamo ng annual float parade. Bagama’t simple lang ang aming partisipasyon, lubos naman naming naramdaman ang mainit na pagtanggap ng mga residente ng Benguet sa amin maging ang ‘di mabilang na dami ng turista na nanood ng parada,” dagdag pa nito.

Layunin nito na dalhin ang kanilang mga product endorsers at ipakilala pa lalo ang kanilang produktong New Placenta na kilala bilang epektibong skin care product para sa pagpapaputi at pagpapakinis ng kutis. Para sa mga organisayong nais mag-imbita sa grupo ng Psalmstre at ng kanilang endorsers, kontakin lamang ang 0919-8076492 o bisitahin ang www.psalmstre.com.ph.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

11 thoughts on “BB Gandanghari, habang tumatagal, nagiging kamukha na ni Carmina Villaroel!

  1. At si Daniel Padilla naman habang tumatagal nagiging kamukha ni BB Gandanghari! Hakhakhak! Bagay palang naging ina inahan niya ang ex-tita niyang si Carmina sa flopserye nila. Kulang na lang si BB para makumpleto ang look alike triplets. Hakhakhak!

  2. ayaw ko man manglait kaso gusto kong magpakatotoo, KAKADIRI PAGMUMUKHA NITONG C BB GAGANGHARI kahit anong ayos nyang gawin pra maging bading lalaking lalaki pdin itsura, NAPAKA PANGIT N BAKLA NG BB NAITO, galit ako s bakla pero c vice ganda kahit matalim din magsalita mukha pdin cyang cute. itong c gaganghari mukhang acute. ang pinakatotoo NAPAKA GWAPO N RUSTOM PADILA.

  3. si rustom ba ang nagiging kamukha ni carmina, so nagmumukha siyang babae. baka naman si carmina ang nagiging kamukha ni rustom, so nagmumukhang bading si carmina…….

  4. Rustom Padilla is a gay man whether he changes his name and appearance, the fact remains he is not a woman. There are so many gay man who handles themselves so well, they carry themselves well enough to be respected and hold in high regard. Unfortunately Rustom doesnt present himself like that, he makes himself look too cheap, a screaming aging fag who just wants attention. Maybe you should have been more discreet and on low profile, and  you look sick, Mr.Rustom, your physical appearance look like you already have a virus.  I hope not for the sake of your partner/partners, just my opinion.

    • SISTER, AYAW NG MGA FRENS NATIN ANG GANYAN. JUDGMENTAL NA YAN. UMABOT PA SA “VIRUS.” HINAY HINAY. OKI?

      • I dont want to apologized because thats my opinion, I am not disrespecting gay people, I have friends like them but they are well respected people. But thank you much for your reminder, to be honest, Rustom Padilla in my book is just trying just too hard to be noticed and he is doing it the wrong way. I respect anyones opinion, and again I respect gay people. Enjoy ur day.

    • well, ang alam ko lang sa buhay, dapat ay live and let live. hindi iisang klase ang straight na girl o boy, so hindi rin lang iisang klase ang bading. rustom or bb is answerable only to himself and to God, so kung maligaya siya sa ginagawa niya at hindi niya naman naba-violate ang commandments ng Diyos, so be it.

  5. AY BEBE OR BB OR WHATEVER. IPALIWANAG MO KUNG BAKIT MARAMI RAW NAG WALKOUT SA PRESS PREVIEW NG HALIK NG TARANTULA MO. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.