BB Gandanghari, gustong magpalagay ng matris

BB-GandanghariMAGKASAMA SA sitcom ng TV5 na 2 1/2 Daddies ang magkakapatid na sina Robin, Rommel, at Rustom Padilla na kilala na ngayon bilang BB Gandanghari. Ayon kay BB, masaya ang working experience niya kasama ang mga kapatid at nagpapasalamat siya na finally ay natuloy rin ito.
“Dapat sa movie muna kami magwu-work together, pero hindi pa ‘yon matuluy-tuloy. Buti na lang, nag-offer ang TV5 kaya heto, magkakasama kami sa isang sitcom,” kuwento ni BB.
Ayon pa kay BB, hindi naman siya naiilang na kaeksena ang mga macho niyang kapatid. “Wala namang ganu’n. Tanggap  na naman nila ako, eh. Hahaha!” sey pa niya. Idinagdag din ni BB na high-pitch si BB sa sitcom dahil babae raw ang kanyang role.
Ano na nga ba ang nangyari sa plano niyang magpapalit ng kasarian at “magpakababae”?
“I’ve been transitioning. It’s been a process. At hindi ‘yon p’wedeng madaliin… Pero ‘di ba, mas sexy ako ngayon kesa last year? Hahaha!” pagbibida pa niya.
Pangarap din nga pala ni BB ang mabuntis at magkaanak. Willing din daw siyang magpa-ovary transplant kung merong ganu’ng proseso.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.