BB Gandanghari, gumiling-giling sa harap ni Robin Padilla

Robin-Padilla-BB-GandanghariHINDI INAASAHAN ni Robin Padilla na dadalawin siya ng mga kaibigan na sina Claudine Barretto, Dennis Padilla, Joyce Bernal kasama rin ang kapatid niyang sina Rommel Padilla at BB Gandanghari sa taping ng birthday special niya para sa Talentadong Pinoy.

Pigil ang pagluha nang makita ang mga kaibigan lalo na sina Claudine at Dennis dahil parehong may dinadanas na problema sa buhay ay nagawa siyang sorpresahin sa kanyang birthday special sa TP.

Katuwiran ni Binoe, bawal umiyak daw ang isang action star kaya pinigil ang pagpatak ng luha pero bakas pa rin ang pamumula ng kanyang dalawang mata na tanda na gustong kumawala ang luha sa mata.

Sa November 23 pa ang eksaktong kaarawan ni Robin, pero naka-taped as live na ang episode na ito kung saan co-host niya ang misis na si Mariel Rodriquez at si Tuesday Vargas.

Nakita rin niya ang babaeng-babaeng kapatid na si BB Gandanghari na naghandog pa ng dance number, kung saan nagpagiling-giling kasama ang mga male dancers sa harap ni Binoe.

Pagkatapos ng dance number ni BB, nasabi raw ni Robin sa utol na: “Ang tapang mo, ang galing mo.”

Masaya naman si BB dahil sa pag-acknowledge sa kanya ng bruskong kapatid, kaya nasabi raw nito: “Finally. I’m a Padilla.”

Samantalang sa pagdating ni BB sa taping ni Robin, nakumpirma na this time daw ay tuloy na tuloy na ang pagsasama nilang magkakapatid sa pelikula na akala ni Robin ay hindi na matutuloy.

Nagtampo pa nga raw noon si Robin kay BB dahil nang sisimulan na nila ang pelikula ay umalis pa Tate si BB. Akala raw ni Robin ay iniiwasan talaga siya ng kapatid. Ngayon ay tuloy na tuloy na ito at wala nang makahahadlang pa, unless magback-out ang isa kina Rommel, BB at Robin.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.