BB Gandanghari, ‘di pa raw p’wedeng magka-boyfriend

BB-GandanghariNAKIKIISA SI BB Gandanghari sa milyon-milyong Pilipino na naniniwala sa bendisyon ni Pope Francis. Kahit paano raw ay nahipo ng Santo Papa ang puso ng mga tao.

Ang buksan ang isip ng mga tao ang isa sa mga inaasahan ni BB Gandanghari na maging epekto ng pagbisita ni Pope Francis sa bansa. Bukod sa pagpapatibay ng spiritual connection ng mga Pinoy, dalangin ni BB sa Santo Papa na huwag basta husgahan ang kapwa, lalo sa tulad nilang nasa third sex.

Hindi itinatanggi ni BB na may nararamdaman pa rin siyang panlilibak mula sa mga tao at sa mga katulad niya. At para raw hindi siya ma-stress ay dinededma na lang ang mga ito.

Samantalang pagdating sa pagtanggap sa kanya ng mga kapatid, lalo na ni Robin Padilla na tutol sa pagbibihis-babae niya, mahabang proseso raw ang pinagdaanan niya para siya matanggap ng mga kapatid.

Ang isa sa patunay na tanggap na tanggap na siya ni Robin ay pagsasama-sama nila ni Rommel sa TV5 na series 2 1/2 Daddies na malapit nang magsimula.

Ayon pa kay BB, paminsan-minsan na lang daw nagre-react ang mga kapatid niya sa pagiging luka-luka. Noon daw kasi, bilang si Rustom ay tahimik lang siya at laging nag-aalala sa kung anu-ano. Si BB ay laging masaya at luka-luka.

Tsika pa ni BB, hindi niya binigla si Robin sa pagbibihis niya ng babae. Araw-araw raw siyang nagpupunta sa bahay ng utol para masanay ito. Nagtagumpay naman siya dahil unti-unti rin siyang natanggap ng kapatid.

Ang isang bagay na hindi pa raw niya puwedeng gawin sa ngayon ay magka-boyfriend dahil alam niyang masi-shock ang mga kapatid, lalo na si Robin. Kaya mas priority niya ang sitcom nilang magkakapatid ngayon.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “BB Gandanghari, ‘di pa raw p’wedeng magka-boyfriend

  1. hahahahha pwede ba? matandang bakla na siya..bakit di pa pwede? hahahah atsaka Bakla naman siya hahahha.ano ba tong article na ito..hayyy

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.