BB Gandanghari, banned in Aruba Bar

SINIKAP DIN NG Startalk na kausapin si BB Gandanghari para linawin ang isyung hindi raw siya pinapasok sa Aruba sa Metrowalk dahil naka-cross-dress ito.

Pinaunlakan daw ni BB ang imbitasyon ni Rannie Raymundo na manood ng kanyang show nu’ng nakaraang Huwebes, pero hindi naman ito pinapasok, kaya umuwi na lang daw siya na medyo shocked pa.

Gusto nga siyang interbyuhin via phone patch sa Startalk nu’ng Sabado, pero nakiusap itong huwag muna dahil “she is still in shocked” pa rin daw sabi ng assistant. Aayusin daw niya muna ang kanyang sarili pagkatapos niyang ma-shock dahil sa hindi ito pinapasok.

Pero ayon naman sa paliwanag ng kanyang PA, hindi naman daw napahiya sa maraming tao si BB nang pumunta ito ng Aruba. Naalala raw niya kasi ‘yung nangyari kay Inday Garutay. Kaya bago raw ito pumasok, nagpautos muna siya kung okay lang ba na pumasok siya sa naturang bar. Tumanggi raw ang security at sinabihan daw na hanggang labas lang siya, pero hindi puwede sa loob. Parang napahiya naman daw siya at medyo na-shock dahil sa pagtanggi sa kanya ng bar na ‘yun.

Isa sa mga araw na ito, magsasalita na raw si BB para ilahad ang karanasan niya sa naturang bar.

Sana naman kasi hindi na siya pumunta roon, dahil alam naman niyang ganu’n kahigpit ang bar na ‘yun. Ang hindi lang siguro matanggap ni BB na bading pa rin ang turing sa kanya, gayu’ng babaeng-babae na ang feeling at turing nito sa sarili.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “BB Gandanghari, banned in Aruba Bar

  1. Just want to say your article is striking. The clarity in your post is simply striking and i can take for granted you are an expert on this subject. Well with your permission allow me to grab your rss feed to keep up to date with forthcoming post. Thanks a million and please keep up the ac complished work. Excuse my poor English. English is not my mother tongue.

  2. basahin niyo ang blog ni BB about sa Aruba bar incident. ang talino niya at napaka insightful ng mga sinabbi niya dun. bow ako sayo BB. kasi naman pag mga tulad na nila lolit ang nagreport napaka bobo at babaw na ng dating. bakit ba punong puno ang pilipinas ng mga showbiz writers na hindi qualified sa trabaho at puro mga galing lang ata sa kanto yang mga yan! pweh!

  3. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #56

Leave a Reply

Your email address will not be published.