BB Gandanghari, baka magsisi lang sa pagpapalit ng ari

OLA CHIKKA! Walang katapusang chikkahan to the maximum authority of chikka with your Tita Swarding!

Ngayon lang ako magko-comment sa mga ginagawang kabaklaan ni Rustom Padilla a.k.a. BB Gandanghari. Kaso nakakaloka ang mga pinaggagawa niya sa sarili niya na una, ang pagiging bakla niya mula sa pagiging lalaki niya as Rustom Padilla na nag- out ito nu’ng PBB, naging asawa ni Carmina Villaroel na pinakasalan naman ni Zoren Legaspi.

Kasi nga naman, hindi ito matanggap ng kanyang inang si Mommy Eva Cariño, kahit na medyo tanggap ni Robin na nakababata niyang kapatid ang pagiging bakla ni Rustom na sabi nga ni Robin, kung saan siya maligaya ay ok lang sa kanya.

Pero may bagong pasabog ngayon si BB na kagagaling lang niya sa abroad, na siya ay under ng isang psychiatric test para sa pagpapalit niya ng ari or sex transplant na ikinagulat ni Robin. As in, tahasang sinabi niya na hindi siya makapapayag na magpapalit ng ari si Rustom at ito ang isang bagay na hindi niya matatanggap. Kasi baka sakali raw magbago ang isip nito ay huli na.

At isa pa, bawal sa kanilang relihiyon ang ganitong pagpapalit ng ari ng isang lalaki para maging babae. Pero bago ‘yan, may sinabi pa si Rustom na ‘pag nagpapalit na siya ng kanyang ari ay magpapalit na rin siya ng kanyang pangalan from Rustom Padilla to BB Gandanghari.

Kung ako ang tatanungin, hindi rin ako pabor bilang bakla na magpapalit ng ari ito ay labag sa aking pagkatao na kung ano ang ibinigay sa ‘yo ng Diyos, tama na, ‘wag na tayong mag-ilusyon na maging isang tunay na babae. Na ibig kong sabihin, bakla ka na nga, masyado mo pang binabakla ang iyong sarili.

Sana mabasa ito ni Rustom hangga’t hindi pa huli. Kasi sa aking pagkakaalam, out of 100% na nagpa-sex transplant, almost 95% ang nagsisisi sa kanilang ginawa. Pero sabi nga, hindi natin p’wedeng saklawan ang kagustuhan ng tao. May kanya-kanya tayong desisyon. Ang sa akin lang naman, nagpaalala akong matakot ka sa Panginoon. ‘Yun lang!

 

SPEAKING OF paalala, sino ba raw ang nagbigay ng titulo kay Kris Aquino na Queen of All Media, na mukhang marami ang nagtataasan ng kilay.

Kasi nga naman, si Kris ay hanggang TV at pelikula lang. Kahit na tri-media, hindi siya puwedeng tawagin, kasi wala naman siyang radio program. Hindi naman siya nagsusulat. Paano siya matatawag na Queen of All Media.

Mas may karapat-dapat pa raw kay Kris, nand’yan si Korina Sanchez, Jessica Soho at Mel Tiangco. Kasi nga naman, sila ay may mga radio program, at the same time, nagsusulat din sa mga dyaryo.

Ilusyon lang ba ito ng fans ni Kris o sadyang ito ang ibinigay na titulo sa kanya? Kasi halos lahat ng star, may mga humahawak na titulo, like Superstar (Nora Aunor), Star For All Seasons (Vilma Santos), Diamond Star (Maricel Soriano), at Megastar (Sharon Cuneta).

Naalala ko kasi na dati, ang ibinigay na titulo kay Kris ay Novastar. Siguro ayaw niya, kasi may pagkatunog negastar, kaya mas pinili niya ang Queen of All Media na wala siyang karapatang tawaging queen kahit princess. Kasi marami ang nauna sa kanya na namayagpag sa media.

Ito ay tanong lang sa fans ni Kris, wala siyang karapatan. Say n’yo!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

14 thoughts on “BB Gandanghari, baka magsisi lang sa pagpapalit ng ari

  1. Grabe si Swarding! Utak talangka! Bastusin pa ba ang nag-iisang Superstar e puro karangalan na nga ang dala sa ating bansa! Tama naman si Coco Shannel eh, patay na ang taguring Star 4 all Season dahil di naman kilala si Vilma Santos sa ibang bansa. ???

  2. kung gusto ni bb na magpalit ng kiki eh wala kang pakialam swarding, hindi naman ikaw ang gagastos eh, kuha mo?

    • KOREK KA JAN. INGGIT LANG YANG SWANGIT NA YAN KASI PINANGARAP NYA RIN YAN NOONG 1960S KASO, ANG PANGARAP AY NAGING BANGUNGOT! BWAHAHAHA

      • Kasi kahit magpalit ng KIKI si Swarding wala pa ring susundot dyan kasi PANGIT SIYA AT GURANG NA! Ang mukha niya sintigas ng NARANG KAHOY! HA HA HA!

  3. AT IKAW SWARDING, TULOY TULOY PA RIN ANG PANINIRA MO KAY NORA AUNOR HA. ANG SISTE MO AY GINAGAMIT MO ANG POST NG IBANG TAO LIKE YUNG MGA ARTICLES SA ALIWAN AVENUE, YUNG POST SA VILMA ANTOT PAGE NA SINULAT DAW NI CRISTY FERMIN NA LUMA NAMAN PALA. HALLER! MAGBAGO KA NA NGA. UNA, MASHONDA KA NA PARA UMOKRAY NG MGA ICON AT INSTITUSYON. PANGALAWA, BAWAS BAWASAN MO ANG PANGOOKRAY MO DAHIL HINDI BAGAY. UNA SWANGIT KA TAPOS KUNG MAKAPINTAS KA, AS IF MAGANDA KA. TAPOS, PURO DYOS AT SANTO ANG MGA PINO-POST MO SA FB MO TAPOS PURO KASAMAAN NG BUDHI ANG SINUSULAT MO! JUICE MIO PERDON!!! PATI SI BB, DI MO PINATAWAD. AT LEAST SI BB., KAHIT MALAPIT NG MAG 50 AY MAGANDA PA RIN. IF I KNOW, JINGGIT TAN KA KAY BB DAHIL SYA AY MAGANDA AT MAY JOWA PA SA NEW YORK. IKAW? NI KAHIT CONSTRUCTION WORKER JAN SA KANTO, ISUSUKA KA! SO, WAG MO NG PAKIALAMAN SI BB. KUNG GUSTO NIYANG MAGPALIT NG ARI, SO WHAT? MAY PERA SI MAMA! LET HER BE. IF I KNOW, PINANGARAP MO RIN YAN ONCE UPON A TIME! DI NGA LANG UMUBRA DAHIL PURITA TITIWANG KA AT WALA NAMANG PAPATOL SA YO. KAHIT KAMUKHA MONG ZOMBIE, KAKARIPAS NG TAKBO PAG NAKASALUBONG KA!!!

    • pwede ba si swarding ang taong walang inget sa katawan at siya ang walang pinapanigan, kahit sino kasi hindi siya bayaran ng kahit sino. pumiyok sa inyo ang nag bayad sa kanya, kahit si kris hindi niya pinapatawad pag talagang alam niyang mali. kahit sinong artista yan ang trabaho niya ang punahin ang dapat punain, ikaw sino ka sa mundong ito tae, baho mo.

  4. Geez this Rustom Padilla who is trying so hard to be a woman, is just so desperate. HE is too old now what is he trying to do. He is an old fag, just settle for what God gave you and come to terms with it, you will be happy. He kook so wasted, I would think he has incurabkle disease. Find yourself within you, changing your gender wont guarantee you of any fulfillment coz in reality you are a man but a gay one. Be a good human being thats what will count the most in the end, in the eyes of your love ones and most of all in the eyes of GOD.

  5. HOY SWARDING, MARAMI NG TINAWAG JAN KAY KRISTETA. NUNG NAGSISIMULA PA LANG YAN AY NAHULOG YAN SA STAGE NG SHOW NI ATE GERMS KAYA TINAWAG SYANG FALLING STAR. NANG SUMIKAT SA FIDO DIDA NILA NI RENE REQUESTAS AY TINAWAG NAMANG NOVASTAR. NUNG MAGTANAN AT MAJONTIS NI PHILLIP SALVADOR, TINAWAG NAMAN SIYANG NEGASTAR DAHIL NALAOS. EWAN KO BA DYAN KAY KUYA BOY AT SA ABS-CBN KUNG BAKIT BINANSAGAN SIYANG QUEEN OF ALL MEDIA. BAKKEEEEEEEETTTT????? PAG SINABI MONG ALL MEDIA, IBIG SABIHIN, MOVIES, TV, RADIO, STAGE, PRINT, MUSIC RECORDING ETC. HALLER??? ANG MAKATIKIM NG SUCCESS MINSAN SA ISANG FORM NG MEDIA EH HINDI ENOUGH PARA MATAWAG NA QUEEN!  IBALIK NA LANG KAYA NATIN ANG TAWAG NA NEGASTAR, BUTI PA NGA!!!