BB Gandanghari at Robin Padilla, nag-iiwasan ‘pag may get-together ang pamilya

MASAYANG NAGKUWENTO si BB Gandanghari sa nakaraang 29th Star Awards for Movies na nanood ang inang si Mommy Eva Cariño-Padilla at ang kapatid na si Rommel sa pinagbidahang stage play na Halik ng Tarantula.

Nakitang masaya naman ang ina sa napanood at alam niyang naintindihan nito ang play. Hindi naman nakausap si Rommel pagkatapos ng play kung saan kasama nito ang mga anak.

Ayon pa kay BB, sa simula pa lang naman ay natanggap na siya ng kapatid at naiintindihan nito ang sitwasyon niya. Aminadong nagsilbi rin itong tulay para magkaayos sila ni Robin pero huminto rin ito kalaunan at ‘di na ito pinag-usapan dahil positibo rin si Rommel na maayos din kung anuman ang ‘di nila pagkakaintindihan ni Robin.

Sa interview ni Mommy Eva, inamin nito na ang hiling niya ay makita ang mga anak na magkakasama sa isang hapag-kainan katulad dati. Para kay BB, ganito rin naman ang hiling niya, pero ayaw niyang ipilit ang isang bagay na ‘di pa talaga oras. Balansado naman ang lahat, pero hindi na nga lang tulad dati na present at magkakasama sila sa mga reunion o get-together at ngayon ay umiiwas ang isa ‘pag nandu’n ang isa sa kanila ni Robin.

Nagpapasalamat sa lahat ng mga nanood at sumuporta sa stage play, ikinatutuwa sa lahat ng mga nakagusto rito at sa mga ‘di naman nagustuhan ang kanilang play, para kay BB ay tanggap niya na hindi mo mapi-please ang lahat at ang importante ay alam ng buong casts na ibinigay nila ang best na maibibigay nila para sa pinagbidahang play.

 

SA SHOOTING ng pelikulang Raketeros na pinagbibidahan nina Herbert Bautista, Andrew E,  Ogie Alcasid at Joey Marquez sa ilalim ng direksyon ni Direk Randy Santiago, inamin ni Mayor Herbert na lahat ng mga anak niya ay nagpapakita ng interes na pumasok sa mundo ng showbizness at mag-artista.

Napag-usapan ang nag-iisang anak na babae na gustung-gusto ring mag-showbiz, ikinuwento ng comedian/politician na gusto niyang ‘pag nagkaroon ng role ang anak ay may impact ito sa tao, hindi pa teeny-bopper at role na ginagampanan ni Jodie Foster. Pinahahanapan nga ng malaman na role sa susunod na pelikulang ipo-produce ng Heaven’s Best, ang Burgos, sa ngayon ay nagwo-workshop ang anak sa ABS-CBN para mahasa ang kakayahan nito sa pag-arte.

Kinakausap ang Star Cinema para maging distributor ng Raketeros, sa June o July ang target showing ng nasabing pelikula para hindi ito tiyumempo sa May elections.

 Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

One thought on “BB Gandanghari at Robin Padilla, nag-iiwasan ‘pag may get-together ang pamilya

Leave a Reply

Your email address will not be published.