BB Gandang Hari, nag-iisip nang magpa-sex change? – Lolit Solis

NAALIW NAMAN AKO sa interview ng Startalk kay BB Gandanghari na sinasabi nitong ngayon lang daw niya na-realize na siya pala ang nagmana sa Mommy niya pagdating sa pagpili ng mga boys.

Kuwento kasi ni Bebe, nakakapag-girl’s talk na raw sila ng Mommy niya at na-open na raw niya kung sinong lalaki ang type niya na agree naman agad si Mommy Eva.

Ang mga type na lalaki raw kasi ng mga kapatid niyang babae ay hindi type ni Mommy Eva, pero pagdating sa kanya ay boto ang ina nito Kaya pareho raw pala sila ng taste pagdating sa boys.

Pero sa ngayon ay loveless pa rin daw siya although, nakikipag-date daw siya minsan pero hindi pa raw tumitibok uli ang puso niya.

Ang sabi kasi ni Mommy Eva, tanggap na niya ang bagong pagkatao ng anak niya pero parang hindi pa raw siya handang may maipakilala na itong boyfriend.

Sey naman ni Bebe, sa ngayon ay wala pa raw talaga dahil gusto naman niyang mag-concentrate sa trabaho. Pero malay natin, baka isa sa mga araw na ito ay meron na siyang makilala at hindi naman daw niya ito itatago.

Tingin naman daw niya matatanggap ito ng mga kapatid niya lalo na si Robin Padilla na feel na feel na ang pagkabanggit ng pangalan niyang BB.

Ang hindi ko lang sure na matatanggap nila ay kapag maisipan ni BB na magpa-sex change.

Sabi nito, “I’ve thought about it now. Pinag-aaralan ko na siya, tinitingnan ko, binabasa ko.

“Not pinaplano, but I’m learning it para in case dumating iyong panahon na mapag-isipan ko talagang seryoso, eh, alam ko na ang mga  pros and cons of everything. I’m trying to study it.”

Naku, ‘day! Parang hindi ko pa rin ma-imagine na may keps na si BB at isa na siya talagang ganap na babae. Good luck!

Stairway to Heaven, mamayang gabi na

MAMAYANG GABI NA magsisimula ang Stairway to Heaven nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos.

Hindi pa sina Dingdong at Rhian ang mapapanood n’yo dahil magsisimula ito nu’ng bata pa sila na ginagampanan nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza.

Pero tiyak ko na susubaybayan nyo na ito dahil ang gagaling ng mga bata dito.

Kahit sina Jean Garcia at Jestoni Alarcon ay puring-puri ang mga bagets na ito kaya dapat na alagaan ng GMA- 7.

Feeling ko, hahatak sila ng mga fans kapag masubaybayan nila itong love story nina Cholo at Jodi rito sa Stairway to Heaven.

Dapat na panoorin ito ni Marian, no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “BB Gandang Hari, nag-iisip nang magpa-sex change? – Lolit Solis

Leave a Reply

Your email address will not be published.