Baybayin ng Navotas, ‘Di Puwedeng Paliguan

 

NAGBABALA SA publiko ang Navotas Health Office na huwag gawing paliguan na katulad ng beach ang baybaying dagat ng Navotas City.

Inilabas ni City Health Officer Dr. Liberty Domingo ang babala alinsunod sa direktiba ni Navotas Mayor John Rey Tiangco.

Ayon kay Domingo, marumi at malangis ang tubig sa dagat ng Navotasa kaya delikado ito sa kalusugan at posibleng magkaroon ng sakit sa balat ang lahat na maliligo rito.

Kaugnay nito, plano ni Tiangco na linisin at pagandahin ang baybaying dagat ng Navotas upang gawing pasyalan at ligtas na paliguan.

Hiniling ni Tiangco sa city council na maglaan ng pondo para sa rehabilitasyon ng dagat.        (ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.