BAYAW NI MAYOR, HARI NG FIXERS SA QC?

KAMAG-ANAK DAW NI Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista ang namumunini ngayon sa salapi dahil sa aktibo nitong pambabarako sa mga kawani at opisyal ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon.

Kinilala ng impormante ng Pinoy Parazzi ang umano’y ‘Hari ng Fixers’ QC Hall na si Gerardo Garcia o mas kilala sa tawag na ‘Warrior’ na sinasabing kamag-anak ni Bautista.

Anang impormante, pinsan ni Bautista ang mismong asawa nitong si ‘Warrior’ kaya kinatatakutan umano ito ng maraming kawani at opisyal ng lungsod.

“Sobra na siya (Warrior). Tinatarantado na niya ang trabaho namin para lamang kumita gamit ang mukha ni mayor,” galit na pahayag ng nasabing impormante.

Sinasabing madalas na tambayan nito ang punong tanggapan ni QC Treasurer Edgar Villanueva na aktibong kasabwat umano ni Warrior sa kanyang tinatawag na ‘fixing activities’.

Kabilang umano sa mga nilalakad nitong si Warrior ang pagpapababa ng babayaran sa Business Tax, Real Estate Tax at Contractor’s Tax sa tunog na sampung porsyentong (10%) komisyon mula sa matitipid ng taxpayers habang 40% naman ang mapupunta sa tesurero.

Sa pagtatanong ng Pinoy Parazzi sa ilang kilala ni Warrior, nabatid na isang bulok na kotse lamang ang gamit nito noon bago pa man maupo bilang alkalde si Bautista.

Pero sa loob lamang ng halos walong buwan, meron na umanong Toyota Innova at Mitsubishi Montero itong si ‘Warrior’ na ngayo’y kinaiinggitan naman daw ng mga dating kasamahan nito sa Vice Mayor’s Office, tulad na lamang ni ‘Double B’ o ‘Baklang Bumbero’ na kilala ring tauhan ni Bautista.

(Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.