Bayaw na Nang-Rape sa Dalagitang Hipag, Tiklo

ARESTADO NA ng mga kinauukulan ang isang lalaki na salarin sa panggagahasa sa hipag nitong dalagita sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan.

Nadakip ang suspek na si Amir Cadarangan, 25, residente ng Brgy. Mangandampay sa naturang bayan sa bisa ng warrant arrest laban sa kaso nitong panghahalay sa hipag nitong menor de edad.

Nabatid na tatlong beses na hinalay ng suspek ang biktima sa tuwing makikitulog ito sa bahay ng kaniyang ate na asawa ng salarin.

Samantala, sa tulong ng guro ng biktima na nasabihan nito ng insidente ay agad na naiparating sa mga kinauukulan ang krimen na agad namang naaksyunan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.