Bayaw na matakaw, grabe sa taga

HINDI AKALAIN ng isang lalaki na ang pag-ubos niya sa kanilang ulam ang nagpahamak sa kanya makaraang tagain ng kanyang bayaw sa bayan ng Balungao, Pangasinan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Manuel Soriano, 33-anyos, isang mangingisda habang ang suspek ay nagngangalang Teodoro Diaz.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, naganap ang insidente pasado ala-1 ng hapon sa tahanan ng biktima at suspek.

Dumating ng bahay si Diaz na gutom na gutom at nang tanungin kung nasaan na ang pinitas niyang talbos ng gulay para iulam, inamin ni Soriano na kanya itong inubos dahil nasarapan.

Dito nagtalo ang dalawa kaya naman kumuha si Diaz ng itak at tinaga si Soriano sa dibdib.

Kaagad itinakbo sa pagamutan ang biktima na ngayon ay nagpapagaling na habang ang suspek ay patuloy na pinaghahanap.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.