Bayaw, Inatado ng Saksak; Mga Magulang na Umawat, Sugatan sa Nabuwisit na Kelot

KRITIKAL SA pagamutan ang isang mister matapos itong pagsasaksakin ng kanyang bayaw, habang sugatan naman ang mga magulang ng huli makaraang mahagip ng saksak sa tangkang pag-awat dahil sa buwisit ng suspek sa una kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Patuloy na inoobserbahan sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan si Rodel Amalota, 34, ng Kadima, Letre, Malabon City.

Habang ginagamot ang mag-asawang Alfeo, 60; at Jocelyn Manlangit, 53, kapwa ng naturang lugar bunga ng tinamong saksak sa kamay.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Oliver Manlangit, nasa hustong gulang, binata, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa tahanan ng biktima.

Bago ang insidente, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at ang asawa nitong si Beverly (kapatid ng suspek) na ikinairita ng suspek dahilan upang kumuha ito ng patalim at walang sabi-sabing pinagsasaksak si Amalota.

Dahil dito, inawat ang suspek ng kanyang mga magulang subalit nahagip din ang mga ito ng saksak at nang makita ng una na duguan ang mga magulang ay mabilis itong tumakas dala ang ginamit ng patalim.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.