Bayarang Babae, Nagkalat na Naman sa Caloocan

 

MGA MOTEL-HOTEL ang ginagamit umanong parausan para sa panandaliang-aliw ng mga mahihilig na kalalakihan at mga kababaihan na nagbebenta ng kanilang katawan.

Ayon sa mga kosernadong residente, sama-hang sibiko at mga non-government organization (NGOs), masayado na si-

lang dismayado sa kawalan ng aksiyon ni Caloocan City Mayor Rico “Recom” Echiverri at ng Caloocan City Police para masugpo ang ganitong operasyon na nagbibigay ng iba’t ibang uri ng sakit sa babae.

Anila, makikita ang mga nasabing babae na nagkalat sa harapan ng Nice Hotel at Astro Hotel na matatagpuan sa kahabaan ng Samson Road ng nabanggit na lungsod.

Nagkalat din ang mga bayarang babae sa harap ng Araneta Mall na makikita sa Bonifacio Circle at mga panguna-hing kalsada sa nasabing lungsod na hayagang ibinebenta ang kanilang katawan sa mga naglalakad na kalalakihan.

Nangangamba rin ang mga nabanggit na kung hindi mabibigyan ng aksiyon ang operasyon ng mga babaeng bayaran ay baka kumalat sa kanilang lungsod ang iba’t ibang uri ng sakit sa babae.

Ayon naman sa mga mapagkakatiwalaan impormante, kaya hindi masugpo-sugpo ang ganitong gawain ay dahil umano mismong i-lang tiwaling miyembro ng Caloocan City Police ang nagbibigay ng proteksiyon sa mga nasabing kababaihan.

Sinabi pa ng impormante, may bagong modus operandi ang mga babaeng putatsing. Kapag nasa loob na ng motel o hotel ang magkapares, biglang magsisigaw ang babae para makatawag ng pansin sa mga personnel at sasabihing pinupuwersa siya ng kanyang customer.

Sa puntong ito ay ipaaaresto ng babae ang lalaki at gagawan ng kaso. At para hindi na lumaki pa ang situwasyon ay hihingan ng babae ang kanyang inirereklamo ng malaking halaga ng pera sa tulong ng pambubuyo umano ng mga pulis.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.