Bayani Agbayani, walang pang-hihinayang sa pag-alis sa Dos!

WALANG PANGHIHINAYANG SI Bayani Agbayani kung umalis man siya sa ABS-CBN at muling nagbalik sa GMA-7.  Bonggacious ngayon ang career ni Bayani sa Siyete. Mayroon siyang SRO: Meet The Father with Boyet de Leon, First Time, Diz Iz It! at comedy show with Michael V. every Friday plus 2 shows sa TV5.

“First time naming magkasama ni Michael V. after na maging magkaklase kami for 6 years. May ginawa akong international movie, Pinoy Sunday. It’s a comedy drama with Meryll Soriano at Alessandra de Rossi. One month kaming nag-shoot sa Taiwan. Kung hindi ako lumipat ng ibang channel, Star Cinema sana ang magre-release nito. Tinawagan ko na nga ‘yung foreign director namin para sabihing nasa Channel 7 na ako. May indie film akong gagawin with Ryan Agoncillo, suspense-thriller. First time, mamamatay-tao ang role ko rito. It’s about election campaigns, mga kamag-anak na nagpapatayan parang ganu’n. Hindi pa nga kami makapagsimula dahil ang dami kong ginagawa,” turan niya.

Diretsong sinabi ni Bayani na never na niyang iiwanan ang Kapuso network kahit muli siyang kunin ng Dos. May nagsasabing walang raw utang na loob ang komedyante sa network na tumulong sa kanya para sumikat at magkapangalan. “Hindi na, kasi ang tagal ko na rin naman sa ABS. Gusto ko namang ibigay sa Channel 7 ‘yung mga ideas na nalalaman ko pa sa edad kong 41 hanggang sa tumanda na ako. Sila ‘yung nagbigay sa akin ng break noong nagsisimula pa lamang ako. Kung titingnan mo ang history ko, galing ako sa GMA then nag-Dos ako. Bumalik lang uli ako sa Siyete, from 1997 to 2009 ABS. Nag-start ako sa GMA nu’ng mag-graduate ako ng college. Naging production assistant, assistant writer, writer from 1994 to 1996. In all honesty, ‘yung pagbabalik ko sa Siyete, tinanggap nila akong maluwag sa dibdib nila at naramdaman ko ‘yun. Binigyan agad nila ako ng trabaho at nagpapasalamat ako,” pahayag ni Bayani.

“Eversince na gusto kong lumipat to another network, nagpapaalam ako, pinapayagan naman nila ako. Kapag nagkikita nga kami ni Wilma Galvante (ninang sa kasal ni Bayani) sa gathering, tinatanong niya ako kung okey ba ako? Masaya ba ako? Sabi ko naman, okey naman po ako. Last time na nagkita kami ni Wilma sa birthday party ni Ogie Alcasid. Sabi niya, ‘Kumusta ka na, anak?’ Sabi ko, ‘Nang, kunin mo na ako, wala akong trabaho, ‘yun,” dugtong pa niya.

Para kay Bayani, kahit raw nu’ng wala siyang trabaho sa Dos, taos-puso pa rin ang pasasalamat niya, naging bahagi siya ng Kapamilya network. “Blessing pa rin ‘yung matatawag dahil binigyan nila ako ng pagkakataon para maging Bayani Agbayani. Isang malaking utang na loob na dapat ko lang tanawin sa kanila.”

Inihahanda na rin ang latest album ni Bayani under Sony BMG na pawang hango sa mga awitin nina Michael V., Joey de Leon, Ogie Alcasid at Janno Gibbs. “Itong album ko parang songs ng mga idol ko. Marami pa kaming kukuning mga songs, may novelty, may love song. Tapos, gagawa rin kami ng mga original songs. Inaaral ko na ‘yung apat na songs, bale anim. Hopefully, sana by April, ma- release na ‘yung album.”

Marami ang nagsasabing super sa pagkaselosa ang misis ni Bayani kaya never itong naugnay sa sinumang babae. “Wala akong ganu’n, kasi may asawa na naman ako. Sa kanila na kasi naka-focus ang atensiyon ko. Eversince na pumasok ako sa showbiz, may asawa’t anak na ako. Siguro ‘yung mga babaeng lalapit pa lang sa akin alam na, selosa ang asawa nito.

“Alam ko naman ‘yung ginagawa ko, priority ko ang pamilya ko. Sila ang dahilan, mabigyan sila ng magandang buhay at magandang edukasyon para sa mga anak ko. Hindi naman habang panahon, nandito tayo sa showbiz. Ako ang nagpla-plano ng pamilya ko. Nasa akin ang disposisyon. Paggalang lang, paggalang sa asawa ko, paggalang sa mga anak. Anything I do, anything I want, lagi akong happy,” aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

16 thoughts on “Bayani Agbayani, walang pang-hihinayang sa pag-alis sa Dos!

  1. sounds bitter si BAyani….hahahahahahahahahha KAhit kuhanin pa rin daw siya ng DOS mananatili pa rin siya sa GMA7…. Di ka na pag-aaksayahan ng DOS BAyani anyway sino ka ba!!! hahahahahahahhahaha..
    BAgay na bagay ka sa network nayan the jologs network… And one more thing hindi ka nmin pag-aaksayahan ng time para panoorin…hehehehe peace.

  2. TAE itong article na ito. Sinong maniniwalang bongga ang career ni Tae Agbayani??? Ayan oh, halos mamatay na yung Diz Is It… pati co-hosts nya nagmukhang tae na ang dating dahil pang toilet humor lang si Tae Agbayani.

  3. super laos. nagsalita pa ng tapos na di na nya iiwan ang shiti. okay. sa freezer ka rin mauuwi hahahha kala ng mga taga shit-i eh ebs lang ang may freezer hahah

  4. hello?!? kahit na matapos mo contract sa 7, hindi ka rin kukunin ng 2. hahaha. they let u go dahil wala ka ng kinang.

  5. dapat di sya nagsalita ng patapos.. baka mamaya pag wala na sya work sa & eh bumalik sya sa 2 at kainin ang sinabi nya.

  6. hahaha! hintayin niyang matapos lahat ung mga shows na iyon tapos saka na lang siya magsalita. ganun naman talaga pag bago, magkakaroon ng ilan shows tapos nun ay matetengga ng matagal. ang diz is it niya ay nilalampaso lang ng showtime. :-)

    • sabi nmn nya ready sya sa gnyan…kung sakaling mtapos lht ng commitments nya sa gma…pwede syang mag work sa likod ng camera…it means kht production staff ok lng sa knya bsta work bcoz…he loves his family…father yan…may binubuhay na pamilya
      kht maliit na work bsta may pagka2kitaan ok lng….and im so glad 2 hear frm him na ginglang nya ang pamilya nya.

      • agree, regardles na sa likod o harap ng kamera basta may pagkakakitan ng malinis at ikabubuhay ng pamilya ay napakagandang pakinggan.

        thumbs up sa yo bayani kahit hindi ko type ang comedy mo, pinahanga mo ako sa pagpapahalaga sa iyong pamilya.

    • Hindi totoo ‘yan! Bakit hindi natetengga si Wendell Ramos. Sawang-sawa na ako sa pagmumukha n’ya!

      • Walang natetengga sa GME kasi nga paulit-ulit mga stars nila. Nakakasawa na’ng mga pagmu-mukha!

  7. kaya lang bagsak sa rating ang Diz iz it! Bayani is too identified as side kick ni Cesar Montano kaya hindi click sa masa ang pagiging host niya..

Leave a Reply

Your email address will not be published.