BAYANI AGBAYANI, MASAMA RIN ANG LOOB KAY WILLIE REVILLAME

TULUYANG NASIRA na ang friendship nina Willie Revillame at John Estrada dahil nagdesisyon na ang huli na tanggalin na si Willie sa list ng kanyang entourage sa nalalapit niyang pakikipag-isang dibdib kay Priscilla Meirelles.

“Si Willie ang unang tumalikod sa friendship nila ni John, kasi, kung itinuring niyang kaibigan si John sana hindi niya ito ipinahiya sa publiko na akala mo kung sino siya. Iniere pa niya sa Wiling Willie ang pag-uusap nila na para bang pinalalabas ni Willie na walang kuwentang tao si John at kayang kaya niya,” pahayag ng isang taong malapit kay John na nagsabi pa rin sa Pinoy Parazzi na sa ngayon ay ayaw raw makita ni John si Willie dahil baka mangyari ‘yung mga bagay na iniiwasan ng actor.

Galit si John kay Willie. Kahit sino naman ay hindi matutuwa sa ginawa ni Willie.

Sa kabilang banda, sinabi rin ng aming source na kaya raw pumirma para sa bagong show ng Dos sina John at Randy Santiago ay matagal na raw na panay ang pangako ni Willie sa dalawang kaibigan.

“Panay lang ang pangako ni Willie na magkakaroon ng show, ang tagal tagal nang nag-aantay ng dalawa, pero wala. Kaya nu’ng may offer na ang Dos, grab agad sila dahil need nila ng work,” sabi pa ng malapit kay John.

Bukod kina John at Randy, masama rin daw ang loob ni Bayani Agbayani kay Willie, sey ng aming source.

TAHIMIK pero hanggang ngayon daw ay tuloy pa rin ang “silent relationship” nina Kris Aquino at Ted Failon. Kung paniniwalaan ang tsika, si Kris daw ang agresibo sa nasabing relasyon at ito ang halos manuyo sa TV host-anchorman.

“Sa pagkakaalam ko, si Kris ang panay ang text at tawag kay Ted,” sabi ng aming kausap.

Maraming beses naming tinangkang kausapin si Ted kaugnay sa isyung ayaw mamatay-matay, pero sa tuwing kami ay lalapit ay agad na umiiwas si Ted.

“Gentleman si Ted at ayaw niyang mag-comment tungkol kay Kris dahil iwas itong maka-panakit ng damdamin ng kanyang kapwa,” sey pa ng aming source.

Ayon pa rito, isa sa mga dahilan kung bakit may zipper ang bibig ni Ted ay dahil malaki ang respeto nito kay Pangulong Noynoy Aquino.

“Bukod pa kay Pangulo, hindi sanay si Ted na iniintriga ang personal niyang buhay, knowing him na tahimik na tao at hindi sanay sa showbiz. Pero huwag kayong magulat kung isang araw ay sila na,” sey ng aming dalahirang kaibigan.

MAY DAHILAN pala para maga-lit ang nagngangalang Dra. Narua Vuctiria Dizon Y Canlas sa aktor na si Mico Palanca.

Base sa report ng San Juan Police Station ay bastos daw ang bibig ni Mico nu’ng mangyari ang insidente sa kahabaan ng Wilson Street, Greenhills, last February 7.

“Mura siya nang mura. Ang sabi niya, ‘F*ck you! What’s wrong with you? You want money I give you  more,”  pahayag   ni   PO2  Alexander De Dumo.

Naging arogante at bastos daw si Mico sa kapulisan kung kayat ang kasong unjust vexation at driving without license ay nadagdagan pa. Nag-bail na siya ng tig-two thousand each case sa four cases na hinaharap niya.

Tinangkang kausapin ng Pinoy Parazzi si Mico su-balit nang punatahan namin ito sa kanilang tahanan sa Vi-llamore Street ay sinabi ng kani-lang kasambahay na wala pa raw ang aktor at hindi nila alam kung saan nagpunta.

Hindi rin nagbigay nang komento ang doktorang nakalaban ni Mico dahil nang puntahan namin ito sa Cardinal Sin at sa kanilang bahay mismo ay wala ring naibigay na impormasyon kung nasaan ang doktorang pinagmumura ng binata.

ISANG PELIKULA ang pagsasamahan nina Gov. ER Ejercito at Gov. Vilma Santos.

“Tungkol ito sa buhay ni Emilio Aguinaldo. Maganda ang project at hindi magiging problema kung sakali kay Gov. Vi ang shooting, kasi, mismong sa Batangas kukunan dahil parang ang magiging role niya ay second wife ni Emilio Aguinaldo,” sey ni ER.

Bukod sa movie na gagawin nila ni Ate Vi, naka-line-up din ang Asiong Salonga.

“Una itong ginawa ni Pangulong Joseph Estrada then ni remake ni Rudy Fernandez, at nagawa ko na rin ito noong 1988. After two decades, muling ire-remake namin,” sey pa rin ni ER.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

9 thoughts on “BAYANI AGBAYANI, MASAMA RIN ANG LOOB KAY WILLIE REVILLAME

  1. Wala na kasing K si Bayani kaya kailangan niyang magpapansin and beside who cares naman sa mga has been na artista na nagpabaya sa career nila at lumipat ng TV station pero failed parin ang move nila.

  2. hay naku hayan lumabas naman c bayani ang hirap pag laosyan deep na kung cno cno ang ginagamit sabagay ganyan naman talaga ang buhay ng mga artista maski c john nagalit pero naktulong sa kanya kahiot laos na rin cya nagamit din niya c wil kya lagi cyang nasa pahayagan hayan ang happy yipee yeheey malaks ang ratings aywan ko lang sa nxt month hahahaha eat bulaga pa rin ang mataas ang ratings…

  3. Pingback: BAYANI AGBAYANI, MASAMA RIN ANG LOOB KAY WILLIE REVILLAME | Spinner News

  4. DAMI TAONG GALIT SA HAYOP NA MAYABANG NAYANG WILLIE NAYAN..HAMBOG SUBRA..SARAP TADYAKAN ANG MUKHA HAYOP NAYAN..AKALA MO KUNG SINO NA PAG UMASTA…GAGO

Leave a Reply

Your email address will not be published.