Bayani Agbayani, ikinuwento kung pa’no naging close kay Sen. Jinggoy Estrada

Bayani Agbayani & Sen. Jinggoy Estrada

Bayani Agbayani & Sen. Jinggoy Estrada

Close friends pala sina Bayani Agbayani at Sen. Jinggoy Estrada na magkasama sa Father’s Day movie na “Tatay Kong Sexy” na showing sa June 1. Pero paano nga ba nag-start ang kanilang pagkakaibigan?

“Nu’ng nakakulong si Kuya Jinggoy Estrada sa Veterans… actually, hindi ko naman talaga kaibigan si Kuya Jinggoy, nu’ng sinama ako ni Tita A (Angge) ro’n, nakita ko na ang lungkot pala ng buhay ng nakakulong talaga.

“So ang ginagawa ko, pumupunta-punta ako sa Veterans araw-araw. Tapos may isang Christmas eve na sabi ko sa asawa ko, puntahan natin si Kuya Jinggoy, do’n tayo mag-Noche Buena sa Veterans.

Ayon pa kay Bayani Agbayani, 8 beses na silang nag-Christmas sa bahay ni Jinggoy hanggang sa Crame, kung saan ito naka-detain ngayon.

Kahit magkaibigan, wala raw siyang hinihinging pabor sa senador.

“Ay, wala!” tanggi niya.

“Alam mo, ang kaibigan talaga kapag nakita niya na wala kang intensiyon bukod sa pagiging magkaibigan n’yo, ro’n ka mamahalin ng kaibigan mo. Kasi alam mo, ang mga nasa politics, ‘yung mga sikat na artista, ‘yan ‘yung maraming kaibigan pag sikat.

“Kaya nga, sabi ko nga sa ‘yo, nu’ng lumaya siya noon, hindi na niya ako nakita kaya hinanap niya ako. Kaya nga ang sakit para sa akin na nakulong ulit siya, kasi nga nag-declare agad siya na tatakbo siyang vice-president, kaya ‘yon, binanatan agad siya,” sey pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.