Bayani Agbayani, babanggain na si Vhong Navarro!

TAMA ANG NAISULAT natin dito sa Mellow Thoughts recently na lilipat na sina Comedy King Dolphy at Diamond Star Maricel Soriano mula sa ABS-CBN patungong TV-5 na ngayon ay pinamumununa na ng Multimedia King na si Manny V. Pangilinan na siya ring “hari” sa PLDT, Smart, and so much other bigtime companies.

Kamakailan lang ay pumirma na si Mang Dolphy ng non-exclusive contract sa TV5 para sa isang show na magsisimulang umere sa April ngayong taon. Kung hindi kami nagkakamali, isa itong bagong sitcom at wala pang casting as we go to press.

Innovative new program concepts umano ang offer ng Singko sa mga artistang kanilang mga kinakausap, at bonggacious ang plano ng istasyon sa pagpapalakas at pagpapalawak ng kanilang mga programa.

Ilang taon ring naging Kapamilya ang Comedy King and in fact, ang Studio 1 ng ABS-CBN ay ipinangalan sa kanya, bilang pagpupugay ng nasabing network sa mga kontibusyon ni Mang Dolphy sa industriya.

Samantala, kinumpirma rin ng manager ni Maricel Soriano na si Malou Choa-Fagar na pumirma na rin ang kanyang alaga sa TV5. Pero para muna ito sa one month special, at non-exclusive din ang nature ng naturang contract. Hindi pa batid kung drama anthology ito or teleserye, malamang ay confidential pa ang detalye.

Expired na rin ang contract ni Marya sa Dos and 2008 pa siya huling nag-taping for Florinda na ipinalabas lang last year, 2009. Akala ng lahat na sa GMA lilipat ang aktres, pero ang Singko nga ang “nagwagi” sa pag-oo ni Maricel at manager nito. Kung after ng one month special na ito, eh, magkaka-regular show pa si Marya sa Singko, ibig sabihin ay happy na ito sa bagong home studio.

Pero kung may mas bonggacious na counter-offer ang iba pang istasyon sa serbisyo ng Diamond Star, that we have to wait and see.

HANDANG-HANDA NA umano si Bayani Agbayani na banggain ang nangungunang Showtime ng Dos na namamayagpag sa ratings tuwing umaga, at siyang “pumatay” sa 8-year old na SIS ng GMA-7.

Say ni Bayani, all set na ang lahat sa halos same format na game show-talent show na ibibigay sa kanyang daily morning show ng Kapuso sa same timeslot ng Channel 2 show na hino-host nina Vhong Navarro and Anne Curtis, at kung saan hataw ang kakulitan ni Vice Ganda at ito naman talaga ang nagpapataas ng ratings sa show.

Ayaw pang magbigay ng details ni Bayani as for the co-hosts dahil bawal pa raw. Aniya, ito raw talaga ang trend sa hit shows, at laking saya nito sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng GMA upang “ipambala” kay Vhong or Vice, sa comedy-hosting department.

Samantala, mapapanood muna si Bayani sa First Time nina Barbie Forteza, Jhake Vargas, at Joshua Dionisio na magsisimula na sa Lunes sa GMA.

TATLONG DEKADA na pala sa showbiz itong si Ian Veneracion, akalain mo ‘yun? Yep, 1980 pa raw kasi ang kauna-unahang TV show niya, ang Joey And Son with Joey de Leon!

Ito ‘yung panahong cute na cute si Ian na batang anak ni Joey sa nasabing RPN 9 show. Ngayon, siya na ang tatay ng 12-year old na si Barbie Forteza sa First Time.

Aba, kung patagalan lang pala ang labanan, ‘di hamak na mas “beterano” na sa showbiz si Ian. 30 years is 30 years at hindi biro ‘yung mag-maintain ng kabuhayan sa ganoon katagal na panahon sa pag-arte, at sabi nga ni Ian, he can’t think of other profession, at hindi rin ito nababakante sa trabaho.

Ang siste, ayaw nitong pumasok sa pag-aartista ang kanyang mga anak na 11 years old na nag panganay, kung siya ang masusunod.

‘Yun lang and babu!

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

3 thoughts on “Bayani Agbayani, babanggain na si Vhong Navarro!

  1. wala namang ipinagbagao at mai oofer na ikatutuwa sa mga manonood nitong si bayani, pang toilet pa rin sana nga lang ay meron.

    nakikita nyo naman sa mga gueting nya lalo pang naging oa

Leave a Reply

Your email address will not be published.