Bayan sa Laguna, isinailalim na sa state of calamity

KASALUKUYANG ISINAILALIM na sa state of calamity ang bayan ng Sta. Maria sa Laguna.

Sinabi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRMO) ng nasabing lalawigan na ito’y dahil sa lubog pa rin sa baha ang 90% ng Sta. Maria, kabilang na ang municipal proper nito dahil sa bagyong Gener.

Nasira rin ng naturang bagyo ang restructured river control ng Barangay Tungkod. Namataan naman ang isa hanggang dalawang metrong luwang at 60-metrong habang bitak sa lupa.

Inaasahang tataas pa ang tubig sa nasabing bayan dahil sa buma-babang tubig mula sa bulubundukin ng Sierra Madre.

Samantala, tinataya pa ng PDRRMO ang halaga ng pinsala ng bagyong Gener sa agrikultura at imprastraktura sa mga bayan ng Famy, Mabitac at Sta. Maria. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.