Bayan sa Cebu, May Outbreak ng Tipus

MAY KABUUANG 220 residente ng Alegria sa lalawigan ng Cebu ang nagkasakit ng typhoid fever at idineklara na ang outbreak status at nasa under epidemic proportion ang naturang kaso.

Ayon kay Rennan Cimafranca, epidemiologist ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU)-7 ng Department of Health Region-7 (DOH-7) agad silang nagpadala kahapon ng team sa Alegria upang matukoy ang sanhi ng kanilang pagkakasakit.

Batay sa report ng DOH-7, sabay-sabay na isinugod sa pagamutan ang mga residente ng dalawang barangay na umabot sa 62 na karamihan ay nasa municipal health center, na ang lagnat ay isang linggo nang “on and off” na may kasamang ubo at sipon.

Kahapon din, mayroon panibagong 100 pasyente ang dinala sa mga pagamutan na may sintomas ng typhoid fever kung saan 30 sa mga ito ang ipinasok sa Reinh Hard Wirtgen Memorial Hospital sa Alegria at ang iba ay nasa Gov. Cuenco District Hospital sa lungsod ng Malabuyoc at sa Rural Health Center dahil sa grabe na ang kanilang mga kalagayan.

Sinabi naman ni Dr. Samson dela Peña, municipal health officer ng Alegria sa kanyang report na karamihan sa mga tinamaan ay ng sakit ay may edad na 15-anyos na galing sa Brgy. Poblacion at Brgy. Santa Filomena.

Kinuhanan na ng mga blood sample ang mga pasyente upang masuri, na hinihinalang mula sa kontaminadong tubig galing ang bakterya na kanilang nakuha.

Nabatid pa kay Cimafranca na pinag-aaralan na nila kung dapat nga bang magdeklara ng typhoid fever outbreak sa nabanggit na dalawang barangay sa Alegria dahil patuloy na tumataas ang bilang ng nagkakasakit.

Napag-alaman pa na noong taong 2007, isang barangay na nasa bulubundukin ang nagkasakit ang lahat ng residente ng Tipus kung kaya’t idineklara ang typhoid fever outbreak. (ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.