Bayan sa bandang South, paboritong taguan ng mga celebrity na may lihim!

MARAMI PALANG kuwento ang isang bayan sa bandang South. Marami kasing celebrity ang nagtutungo roon kapag Mahal na Araw.

Ang isang actor, karay ang ka-live-in niyang hindi man artista ay may connect naman sa celebrities. Kapag naroroon sila, ang gusto ng actor ay walang ilaw sa gabi. Tanging kandila lang ang nagbibigay-liwanag sa kanilang tinutuluyang rest house. Ayaw yata nitong makilala siya ng mga tao roon at baka nga naman makiusyoso sila. Tago rin kasi noon ang relasyon niya sa kanyang dyowang may kamukhang sexy actress noon.

Ang isa namang aktres, ang tagal ding tumira sa lugar na iyon. Nang mawalan ng datung dahil sa kabibisyo ng dyowa niyang singer, imbes na sa resthouse ay sa isang bahay-kubo na lang ito nag-rent.

(By Alex Brosas)

Previous articleLumalabas ang kabadingan: guwapong young actor, gumagamit ng merthiolate para maging pinkish ang labi!
Next articleMale singer, nagte-take home ng bagets ‘pag out of the country ang jowang lalaki!

No posts to display