Bayag ng kelot, binoga ng nag-trip

KASALUKUYANG INOOBSERBAHAN sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Batac City ang isang lalaki matapos matamaan ng bala ng baril ang kanyang bayag nang mapagtripan ng kanyang umano’y kaalitan sa bahagi ng Primo Lazaro at Paco Roman Streets, Laoag City.

Kinilala na mga awtoridad ang biktima na si Jaylord AurelioY Quelnat, nasa hustong gulang, tubong Abra; habang ang mga suspek ay nakilalang  sina Limar Irinco, tubong Molino I, Bacoor, Cavite, residente ng Brgy. 14, sa lungsod ng Laoag at ang dalawang kasamahan nito na sina Alfonso Duldulao at Jayson Aparri.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Laoag Police Station, si Irinco umano ang itinuturong bumaril kay Quelnat matapos mapagtripan lamang ng kanyang grupo ang biktima nang sila’y magkaroon ng away-kalye sa naturang lugar.

Nabatid na nagtamo ang biktima ng tama ng bala mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa kanyang hita kung saan nadamay pati na ang kanyang bayag.

Bunsod nito’y mariin namang itinanggi ni Irinco na siya ang bumaril kay Quelnat ngunit ina-ming nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng naturang  biktima.

Samantala patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa mga suspek kung sino ang bumaril at ano ang pinagmulan ng awayan.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.