Bayad sa NBI Clearance, tataas sa Abril

MAGTATAAS NG clearance fee ang National Bureau of Investigation (NBI) simula sa Abril 1.

Base sa memorandum na inilabas noong Pebrero 25, inatasan ang mga departamento at kawanihan na magtaas ng rate lalo na ang NBI.

Mula P415, sisingilin na ng P500 ang kukuha ng clearance para sa “purpose” of naturalization, cancellation of ACR at repatriation.

Mula P165, magiging P200 na ang sisingilin sa kukuha ng clearance para sa change of name, business license, NFA, SEC, TCB, adoption, POEA, PRA, clearance para makakuha ng permit to carry firearms.

Magiging P200 ang singil mula sa dating P115 ang clearance para ma-

kabiyahe abroad, visa, immigration requirements, visa ng seaman, seaman’s book, local employment, Custom’s pass ID, enlistment personnel, DND at DOT requirements.

Layunin naman ng nasabing dagdag-singil na mapagaan ang pani-ningil ng mga kahera.

Hindi na umano mahihirapan sa pagsusukli ang mga kahera sa lumalaking koleksyon nito.

Samantala, magkakaroon naman ng isa pang public hearing kaugnay ng nabanggit na pagsi-ngil hanggang sa Marso 28.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.